Carlo Aquino, puring-puri ang ganda ni Charlie Dizon

Carlo Aquino, puring-puri ang ganda ni Charlie Dizon

- Nagbigay ng complement si Carlo Aquino sa kanyang girlfriend na si Charlie Dizon sa isa sa Instagram post ni Charlie

- Sa post na ito, kitang-kita ang natural na kagandahan ni Charlie at base na rin sa kanyang post ay si Carlo ang kumuha ng mga litratong ito

- Sa kanyang komento, inihalintulad ni Aquino si Dizon sa isang sikat na Korean star na si Song Hye Kyo

- Marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa pagiging sweet at supportive ng aktor sa kanyang kasintahan

Kabilang si Carlo Aquino sa mga nagkomento sa Instagram post ni Charlie Dizon. Inihalintulad ni Aquino si Dizon sa isang sikat na Korean star na si Song Hye Kyo.

Carlo Aquino, puring-puri ang ganda ni Charlie Dizon
Carlo Aquino, puring-puri ang ganda ni Charlie Dizon
Source: Instagram

Isang pangkaraniwang kaganapan sa mundo ng showbiz ang paghanga at pagpapahalaga ng mga artista sa isa't isa, ngunit ang komento ni Carlo ay agaw-pansin sa maraming tagahanga at netizens.

Read also

Ogie Diaz sa sagutang PK at Miss Grace: "Parang nakaka-stress na din"

Sa kabila ng intriga at pagsubok na kanilang hinaharap sa kanilang mga karera sa showbiz, patuloy na pinapakita nina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang kanilang pagmamahalan at suporta sa isa't isa, na nagbibigay inspirasyon at saya sa kanilang mga tagahanga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Namataan si Carlo kasama ang si Charlie sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa. Matatandaang nauna na ring nagbahagi ng picture si Charlie ng picture kung saan kasama niya si Carlo habang kasama ang mga kaibigan ng aktres.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel