Jhong Hilario kay Kim Chiu nang humiling ito ng sampol kay Alexa Ilacad: "Ayan na naman si Kim"

Jhong Hilario kay Kim Chiu nang humiling ito ng sampol kay Alexa Ilacad: "Ayan na naman si Kim"

- Humingi si Kim Chiu ng sampol kay Alexa Ilacad sa pag guest nito sa 'It's Showtime' ngayong araw

- May pabiro namang hirit si Jhong Hilario kay Kim dahil matatandaang naging kontrobersiyal ang paghingi niya ng sampol ng kanta kay Janella Salvador na hindi napagbigyan ni Janella

- Game naman na kumanta si Alexa ng kanyang kanta na puring-puri ng It's Showtime hosts

- Magkasama sina Alexa at KD Estrada na nag-guest sa 'It's Showtime' ngayong araw

Sa episode ngayong araw ng "It's Showtime," muling ay humiling si Kim Chiu ng pa-sampol ng kanta kay Alexa Ilacad. Agad namang nagkomento si Jhong Hilario na tila binibiro si Kim.

Jhong Hilario kay Kim Chiu nang humiling ito ng sampol kay Alexa Ilacad: "Ayan na naman si Kim"
Jhong Hilario kay Kim Chiu nang humiling ito ng sampol kay Alexa Ilacad: "Ayan na naman si Kim"
Source: Youtube

Game naman na kumanta si Alexa ng kanyang kanta na puring-puri ng It's Showtime hosts. Anila, parang pang-Disney ang kanta ni Alexa.

Matatandaang sa naunang insidente kung saan humingi rin si Kim ng sampol ng kanta kay Janella Salvador. Bagaman hindi ito napagbigyan, at naging usap-usapan hindi ito naging dahilan upang mag-alinlangan si Kim.

Read also

Gabby Eigenmann, handa daw ihatid si Andi Eigenmann sa altar

Biro ni Jhong," ayan na naman si Kim," na tila inalala ang nangyaring isyu.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

Ogie D, mula umano sa kampo ni Kathryn: "Nanliligaw na raw itong si Alden kay Kathryn"

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel