Gabby Eigenmann, handa daw ihatid si Andi Eigenmann sa altar

Gabby Eigenmann, handa daw ihatid si Andi Eigenmann sa altar

- Ayon kay Gabby Eigenmann, handa siyang gampanan ang papel ng yumaong ama, si Mark Gil

- Ito ay sa paghahatid sa kapatid nitong si Andi Eigenmann sa altar sa kanyang araw ng kasal

- Matagal nang nakatakda ang kasal ni Andi sa kanyang partner na si Philmar Alipayo na siya ring ama ng kanyang dalawang anak

- Matatandaang kamakailan ay pinangakuan niya si Jaclyn Jose, ang yumaong ina nina Andi at Gwen, na siya ang mag-aalaga sa mga ito

Pinahayag ng aktor na si Gabby Eigenmann na handang gampanan ang papel ng kanilang yumaong ama, si Mark Gil, sa paghahatid kay Andi Eigenmann sa altar sa kanyang araw ng kasal.

Gabby Eigenmann, handa daw ihatid si Andi Eigenmann sa altar
Gabby Eigenmann, handa daw ihatid si Andi Eigenmann sa altar
Source: Instagram

Sinabi niya ito sa isang press conference para sa kanyang pinakabagong serye.

Matagal nang nakatakda ang kasal nina Andi at Philmar Alipayo na kasama rin niya sa isla ng Siargao.

Read also

Albie Casiño, hindi affected sa bashers kaugnay sa pahayag niya sa pagkamatay ni Jaclyn Jose

"Siyempre, di ba, ngayon engaged [na] sila? One way or another, anytime soon they’re gonna get married. Who’s gonna walk her down the aisle— ako yun," aniya sa press.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang dalawang linggo matapos ang pagpanaw ni Jaclyn ay nagpost si Gabby na siya na ang bahala sa magkapatid na Andi at Gwen.

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Kaye Abad, tanggap ang bansag sa kanya ni Mo Twister na "ugly version" of Iza Calzado

Pinakita ni Andi sa kaniyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa murang edad nito ay may malasakit ito sa kapaligiran.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel