Albie Casiño, hindi affected sa bashers kaugnay sa pahayag niya sa pagkamatay ni Jaclyn Jose

Albie Casiño, hindi affected sa bashers kaugnay sa pahayag niya sa pagkamatay ni Jaclyn Jose

- Sa kabila ng mga batikos mula sa mga basher, hindi nagpatinag ang Kapamilya hunk actor na si Albie Casiño sa kanyang mga sinabi ukol sa pagkamatay ni Jaclyn Jose

- Matapos aminin na hindi siya nakiramay nang pumanaw si Jaclyn dahil sa atake sa puso, hindi nagpatinag si Albie sa mga negatibong reaksyon mula sa publiko

- Sa isang presscon para sa pagtatapos ng "Can’t Buy Me Love," ipinagtanggol ni Albie ang kanyang sarili at sinabing nagpakatotoo lamang siya at ayaw niyang magpaka-showbiz

- Ayon sa kanya, hindi niya nakikitang may dahilan kung bakit siya dapat magpunta sa burol ng yumaong aktres, lalo pa't alam niyang hindi siya welcome doon

Hindi apektado si Albie Casiño sa mga bashers matapos ang kanyang pahayag kaugnay sa tanong kung nakiramay siya sa pagpanaw ni Jaclyn Jose. Sa panayam sa kanya ni Salve Asis, sinabi niyang nagpakatotoo lamang siya.

Read also

Gabby Eigenmann, handa daw ihatid si Andi Eigenmann sa altar

Albie Casiño, hindi affected sa bashers kaugnay sa pahayag niya sa pagkamatay ni Jaclyn Jose
Albie Casiño, hindi affected sa bashers kaugnay sa pahayag niya sa pagkamatay ni Jaclyn Jose
Source: Facebook

Mariing sinabi ni Albie, "I don’t care about how people react, ‘di ba? But, like, that was just an honest question. I just answered it honestly."

Dagdag pa niya, "People die every day, and of course, it’s always sad when somebody dies, but I’m not affected by that."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng mga kritisismo, nananatili si Albie na hindi naapektuhan at hindi nagpapakita ng interes sa opinyon ng iba. Para sa kanya, hindi niya kailangan ang opinyon ng iba maliban kung hihingiin niya ito.

Si Albie Casiño ay isang aktor na sumikat sa kanyang pagganap bilang si Christian sa remake ng seryeng Mara Clara noong 2010 kung saan naipareha siya kay Kathryn Bernardo.

Matatandaang hindi na nakapagtimpi si Jaclyn Jose matapos ang naging pahayag ni Albie kaugnay sa aniya'y naramdaman niya nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa pagdagdag ng timbang ng dating karelasyong si Andi Eigenmann. Sa kanyang post sa Instagram na binura niya rin ay pinakiusapan niya si Lauren Dyogi kaugnay sa naging pahayag ni Albie. Aniya ay hindi na dapat dinadawit ang anak niyang nanahimik at may sarili nang buhay at pamilya sa Siargao.

Read also

Kaye Abad, naloka sa pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya

Hindi rin napigilang mag-react ng ina ni Albie sa isang tweet kasunod ng kontrobersiyal na pahayag ni Albie. Sa nasabing tweet ay sinariwa ng netizen ang physical at emotional torture na pinagdaanan ni Albie sa mga panahong paangat na sana ang kanyang career. Wala naman nang ibang salitang nilagay ang ina ni Albie kundi tatlong crying emoji. Matatandaang naging kapareha ni Kathryn Bernardo si Albie sa teleseryeng Mara Clara nang pumutok ang isyu tungkol sa pagbubuntis ni Andi at siya ang tinurong ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel