Kaye Abad, naloka sa pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya

Kaye Abad, naloka sa pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya

- Nag-react si Kaye Abad sa ginawang pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya noon

- Ibinahagi ni Kaye ang kanyang reaksyon sa pag-deny ng dalawang aktor kaugnay dito

- Inamin ni Kaye na may pagtingin din siya noong kay Patrick at niligawan din siya nito ngunit hindi naging sila

- Isa rin sa mga inamin ni Kaye ay ang panliligaw ni Paolo sa kanya, ngunit tinanggihan niya ito dahil sa kanilang pagkakaibigan

Kinaaliwan si Kaye Abad sa reaksiyon nito nang itanggi nina Paolo Contis at Patrick Garcia na sila raw ay nanligaw sa kanya noong kabataan nila. Sa isang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda," ibinahagi ni Kaye ang kanyang reaksyon tungkol dito.

Kaye Abad, naloka sa pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya
Kaye Abad, naloka sa pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya
Source: Instagram
"Ang sasama nga ng mga ugali, ‘di ba? Sabi ko talaga noong pinanood ko, ‘Dineny niyo akong dalawa? ‘Di talaga kayo proud sa ‘kin, ‘no?" biro ni Kaye.

Read also

Albie Casiño, hindi affected sa bashers kaugnay sa pahayag niya sa pagkamatay ni Jaclyn Jose

Inamin ni Kaye na crush niya si Patrick at niligawan din siya nito. Subalit, hindi niya ipinahayag kung bakit hindi natuloy ang kanilang pag-iibigan.

Isa rin sa mga inamin ni Kaye ay ang panliligaw ni Paolo sa kanya, ngunit tinanggihan niya ito dahil sa kanilang pagkakaibigan. Ayon sa kanya, mas maayos na manatili sila bilang magkaibigan kaysa maging magkarelasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaye Abad, na kilala rin bilang Katherine Grace Cosme Abad, ay isang Filipinong aktres na sumikat sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Mayo 17, 1982, sa Easton, Pennsylvania, USA, ngunit lumaki at naging kilala bilang isang artista sa Pilipinas. Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito. Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography. Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV."

Read also

Ogie Diaz, nabalitaan sa source na nanliligaw nga si Jericho kay Kathryn

Nitong nakaraang Setyembre ay pinagdiwang ng mag-asawang Kaye at Paul Jake Castillo ang unang kaarawan ng bunsong anak nilang si Iñigo. September 2, 2022 pinagdiwang ang unang kaarawan ng bunso nila. Binahagi ng Nice Print Photography ang magagandang pictures na kuha sa kanilang party.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel