Ogie Diaz, nabalitaan sa source na nanliligaw nga si Jericho kay Kathryn

Ogie Diaz, nabalitaan sa source na nanliligaw nga si Jericho kay Kathryn

- Ibinahagi ni Ogie Diaz na maging si Jericho Rosales ay nanliligaw na umano kay Kathryn Bernardo

- Ayon pa sa kanyang source, tila mas boto ang pamilya ni Kathryn sa isa pa nitong manliligaw na si Alden Richards

- Matatandaang, madalas ding nagkakasama umano kamakailan si sina Kathryn at Jericho

- Subalit marami ang nakapansing wala ang aktor sa housewarming ng aktres kamakailan

Sa bagong episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, isa sa mga pasabog ni Ogie ay ang panliligaw umano ni Jericho kay Kathryn.

Ogie Diaz, nabalitaan sa source na nanliligaw si Jericho kay Kathryn
Kathryn Bernardo and Jericho Rosales
Source: Instagram

Ayon umano sa kanyang source, nanliligaw na umano ang aktor kay Kathryn.

"Ang sabi din ng aking source ay nanliligaw din daw itong si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo."

Gayunpaman, sinabi rin ni Ogie na tila mas boto naman ang pamilya ni Kathryn sa isa pa umano nitong manliligaw na si Alden Richards. Kanya rin itong naibahagi sa naturang episode

Read also

Ogie D, mula umano sa kampo ni Kathryn: "Nanliligaw na raw itong si Alden kay Kathryn"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero kung botohan at botohan daw sa pamilya ni Kathryn, parang mas boto sila kay Alden."

Matatandaang unang nakita ng publiko ang nadadalas umanong pagkakasama nina Kathryn at Jericho kaya't nagkaroon ng espekulansyong nagpaparamdam ang aktor lalo na at napabalitang hiwalay na ito sa dating asawa na si Kim Jones.

Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie Diaz mula sa kanyang Showbiz Update YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita noon bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Jake Ejercito, ibinahagi ang dating Sayaw, Kikay dance number kasama sina "Bingo" at "Irene"

Samantala sa 28th birthday ni Kathryn, isang makabuluhang mensahe ang handog ng kanyang inang si Min Bernardo. Nilarawan niya si Kath na "you haven’t felt okay lately" subalit kahanga-hanga umano ito kung paano bumabangon araw-araw at hindi sumusuko at labis umano niyang na-appreciate ang pagpapahalaga ni Kathryn sa paggabay ng pamilya niya sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel