Kaye Abad, tanggap ang bansag sa kanya ni Mo Twister na "ugly version" of Iza Calzado

Kaye Abad, tanggap ang bansag sa kanya ni Mo Twister na "ugly version" of Iza Calzado

- Sa pag-guest ni Kaye Abad sa ika-315 na episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" na ipinalabas noong Abril 12, 2024, napag-usapan nila ang tungkol sa insecurity ni Kaye

- Nang tanungin kung patuloy pa rin ba siyang nagkakaroon ng mga insecurities sa kanyang sarili matapos ang maraming taon sa harap ng mga tao, may pag-amin si Kaye

- Sinundan ito ni Boy ng tanong kung ano ang nagiging dahilan upang maramdaman ni Kaye ang insecurities niya

- Ani Kaye, bukod sa kanyang height, hindi niya masasabi sa sarili niya na nagagandahan siya sa kanyang mukha

Si Kaye Abad ang guest sa ika-315 na episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" na ipinalabas noong Abril 12, 2024. Kabilang sa napag-usapan sa naturang episode ay ang tungkol sa kung paano niya dinadala ang kanyang insecurities sa kanyang sarili.

Read also

Kaye Abad, naloka sa pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya

Kaye Abad, tanggap ang bansag sa kanya ni Mo Twister na "ugly version" of Iza Calzado
Kaye Abad, tanggap ang bansag sa kanya ni Mo Twister na "ugly version" of Iza Calzado
Source: Youtube

Nang tanungin kung patuloy pa rin ba siyang nagkakaroon ng mga insecurities sa kanyang sarili matapos ang maraming taon sa harap ng mga tao, hindi nag-atubiling sumagot si Kaye, "Oo, palagi. Ewan ko Tito Boy, insecure ako."

Nagulat sa kanyang sagot, sinundan ito ni Boy ng tanong kung ano ang nagiging dahilan upang maramdaman ni Kaye ang kawalan ng kumpiyansa sa kanyang kagandahan.

Tumawa si Kaye, at aminadong, "Sa height ko, na sabi ko nga magpapa-chiropractor ako baka tumaas-taas pa ako kahit 1 inch lang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Magpapa-stretch lang ako ng konti. Sa height ko, insecure ako sa height ko."

Dagdag pa niya, "Sa itsura ko, oo. Tuwing mag-g-guest ako sa 'yo, yun talaga yung topic na hindi talaga.

"Titignan ko yung mukha ko sa salamin palagi na hindi ako pangit, hindi ako napapangitan sa sarili ko.

Read also

Kaye Abad, naikwento ang panliligaw sa kanya noon nina Patrick at Paolo

Aniya, hindi naman niya sinasabing pangit siya pero hindi siya nagagandahan sa sarili niya.

Upang mas maunawaan si Kaye, tinanong ni Boy, "If you were to look like someone, who comes to mind first?"

Muling walang patid, may tiwala siyang sumagot, "Iza Calzado."

Ipinahayag ni Kaye na dati siyang naikumpara kay Iza Calzado ni DJ Mo Twister.

"Sinabi nga ni Mo Twister yun e, na ako raw ang ugly version ni Iza Calzado," aniya.At sinabi ko kay Iza Calzado yun, at tatanggapin ko yun. At least ugly version."

Kaye Abad, na kilala rin bilang Katherine Grace Cosme Abad, ay isang Filipinong aktres na sumikat sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Mayo 17, 1982, sa Easton, Pennsylvania, USA, ngunit lumaki at naging kilala bilang isang artista sa Pilipinas. Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Read also

Anjo sa mga naging hosts ng EB: "wala pa akong kilala na nakabalik kahit gusto nilang bumalik"

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito. Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography. Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV."

Nitong nakaraang Setyembre ay pinagdiwang ng mag-asawang Kaye at Paul Jake Castillo ang unang kaarawan ng bunsong anak nilang si Iñigo. September 2, 2022 pinagdiwang ang unang kaarawan ng bunso nila. Binahagi ng Nice Print Photography ang magagandang pictures na kuha sa kanilang party.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel