Kaye Abad, naikwento ang panliligaw sa kanya noon nina Patrick at Paolo

Kaye Abad, naikwento ang panliligaw sa kanya noon nina Patrick at Paolo

- Ikinuwento ni Kaye Abad ang tungkol umano sa panliligaw sa kanya noon nina Paolo Contis at Patrick Garcia

- Ito ay matapos na makulit na nai-deny siya umano ng dalawa nang maging panauhin din ang mga ito sa "Fast Talk with Boy Abunda"

- Aniya, tila mabait sa kanya si Lord na nagkakaroon din umano sa kanya ng interes ang mga nagiging crush niya noon

- Sa naturang panayam din naikwento ni Kaye na pinakanahirapan siyang mag-move on kay John Lloyd Cruz sa lahat ng kanyang naging ex

Masayang naikwento ni Kaye Abad ang tungkol sa panliligaw umano sa kanya ng ngayo'y dalawa sa malalapit niyang kaibigan na sina Patrick Garcia at Paolo Contis.

Kaye Abad, naikwento ang panliligaw sa kanya noon nina Patrick at Paolo
Kaye Abad, naikwento ang panliligaw sa kanya noon nina Patrick at Paolo
Source: Instagram

Sa Fast Talk with Boy Abunda, matatandaang naging panauhin din ang dalawa at makulit na nai-deny na nanligaw sila kay Kaye. Kaya naman nilinaw ito ni Boy Abunda sa aktres.

Read also

Kaye Abad, naloka sa pag-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia na niligawan nila siya

"Ang sasama ng ugali, dineny niyo kong dalawa? Hindi talaga kayo proud sa'kin. Sabagay, maiintindihan ko kung mali-link kay kay Anne Curtis. Mas pipiliin kong ma-link ka kay Anne Curtis kesa kay Keye Abad," natatawang nasabi ni Kaye.

Samantala, una umanong pumorma sa kanya si Patrick noong halos nagsisimula pa lamang siya sa showbiz subalit hindi raw ito natuloy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Crush ko si Patrick when I was starting. E mabait talaga si Lord sa'kin. Binibigay niya talaga yung mga gusto ko, so niligawan ako ni Patrick, o tapos hindi naman natuloy. Dapat interbyuhin niyo ulit si Patrick kung bakit," saad ni Kaye.

Samantala, maging si Paolo ay nagparamdam din umano sa kanya subalit mas naging matimbang na ang pagiging close friends nila noon para kay Kaye.

Read also

Ogie Diaz, nabalitaan sa source na nanliligaw nga si Jericho kay Kathryn

"Kay Paolo, ang naaalala ko, tinanong niya ako kung pwede siyang manligaw but I said no because we're friends. This is after John Lloyd. Pero crush ko si Paolo before. Mabait talaga si Lord. Pero medyo nali-late lang si Lord ng bigay. Crush ko siya during Ang TV. Tapos ang niligawan niya si Carol Banawa," pagbabalik-tanaw ni Kaye.

"'Nung time na magkaibigan na kami, very close na kami, doon siya gustong manligaw. Sabi ko e Paolo magkaibigan tayo, wala na akong malisya. So pa'no?" dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Boy Abunda mula sa programa nitong Fast Talk:

Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Ilang taon na ring bihira nang mapanood si Kaye Abad sa telebisyon man o pelikula buhat nang ikasal sa dating aktor at kilalang businessman na si Paul Jake Castillo. Nabiyayaan sila ng dalawang supling. Gayunpaman, makikita ang mga masasayang kaganapan sa buhay ni Kaye sa kanyang mga Instagram post.

Read also

Ogie D, mula umano sa kampo ni Kathryn: "Nanliligaw na raw itong si Alden kay Kathryn"

Samantala, kasalukuyan nang umeere sa Netflix ang pagbabalik proyekto nila nina Paolo Contis at Patrick Garcia sa pelikulang "A Journey". Matatandaang sina Kaye, Patrick at Paolo ay dating bahagi ng 'Tabing Ilog' kaya naman marami ang nag-abang sa pagbabalik pelikula nila kahit hindi kumpleto ang cast ng nasabing teen drama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel