Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan

Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan

- Sa gitna ng isang nakakabahalang karanasan, nagsalita si Kai Suzon, ang kasintahan ni It's Showtime host Cianne Dominguez

- Ito ay kaugnay sa kinaharap ng kasintahan matapos ang hindi kanais-nais na pangyayari kung saan muntik na itong pagsamantalahan ng isang lalaki

- Sa kanyang pahayag, iginiit ni Kai na walang sinuman ang dapat magdusa o harapin ang banta ng pang-aabuso

- Pinuri niya ang tapang ng kanyang kasintahan na lumaban at walang nangyaring masama sa kanya

Nagbahagi ng mensahe ang boyfriend ni Cianne Dominguez Cianne Dominguez. Kaugnay ito sa pangyayari kung saan muntik nang pagsamantalahan ng isang lalaki si Cianne.

Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan
Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram story, binahagi niya ang kanilang picture kalakip ng kanyang mensahe at pagsuporta sa mga kagaya ni Cianne na nakaranas ng pang-aabuso.

“No one should ever have to endure or face the threat of s3xual assault. Good thing my Cianne fought back and nothing serious happened A To everybody who experienced s3xual assault before, know that you are not alone and fighting back is always important!.”

Read also

Donny Pangilinan, emosyonal nang pasalamatan si Nova Villa; Belle Mariano, naluha

Nagbabala din siya sa naturang lalaki na nakuhanan ni Cianne ng video.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“To the guy who s3xually assaulted (Shervey Torno), you're getting what's coming to you and I will see you soon. An eye for an eye. I'll do whatever I can in my power if I have to if it means protecting the ones that I love.”
Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan
Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan
Source: Instagram

Base sa pahayag ng kampo ni Cianne, ang pangyayari ay naganap sa loob ng kanilang condominium.

Si Cianne Dominguez ay sumali sa isang patimpalak sa It's Showtime at naging daily winner. Nang makapasok ito sa weekly finals ay napansin ni Vice Ganda at kinalaunan ay kinuha niya bilang kanyang talent. Sa kasalukuyan ay isa na siya sa mga hosts ng It's Showtime.

Matatandaang naging usap-usapan sina Anne Curtis, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez matapos ang kanilang pagbirit sa awiting “Gusto Ko Nang Bumitaw" sa “It’ Showtime”. Kasunod nito ay nagbahagi ng mensahe si Anne sa ex tungkol sa kanilang performance na aniya ay para talaga sa mga power belters kagaya nina Sheryn Regis, Morisette Amon at Regine Velasquez.

Read also

Kylie sa ex na si Jake: "I have nothing but good things to say about him"

Nakasama ni Ryan Bang ang co-host niya sa It's Showtime na si Cianne sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It's Showtime ay lagi silang tinutukso. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel