Donny Pangilinan, emosyonal nang pasalamatan si Nova Villa; Belle Mariano, naluha

Donny Pangilinan, emosyonal nang pasalamatan si Nova Villa; Belle Mariano, naluha

- Naging emosyonal si Donny Pangilinan habang pinasasalamatan ang co-star na si Nova Villa

- Ani Donny, hanga umano siya sa kanyang Mamang na labis na nagkaroon ng koneksyon sa kanilang karakter sa "Can't Buy Me Love"

- Hanga umano siya sa dedikasyon ni Nova na kahit nakikita niyang nahihirapan, patuloy pa rin nitong ginagawa ang mga eksena

- Mapapansin na maging si Belle Mariano ay naluha habang nagbibigay mensahe si Donny sa kanilang "Mamang"

Hindi napigilang maging emosyonal ni Donny Pangilinan habang pinasasalamatan ang kanyang "Mamang" na si Nova Villa.

Donny Pangilinan, emosyonal nang pasalamatan si Nova Villa; Belle Mariano, naluha
Donny Pangilinan, emosyonal nang pasalamatan si Nova Villa; Belle Mariano, naluha (Star Magic)
Source: Facebook

Sa media conference ng finale ng Can't Buy Me Love, binigyang pugay ni Donny ang dedikasyon ng kanyang Mamang sa kanilang serye.

"I couldn't imagine anyone perfect for the role thank Tita Nova. Kasi grabe po 'yung binigay niya sa amin dito sa show."

"Never siyang nag-No. Kahit sobrang hirap ng eksena, kitang-kita na nahirapan na siya, game pa rin. Kahit overtime na, siya ang unang magsasabi ng, game kahit anong pwede po nating gawin. Kaya Tita Nova, maraming salamat po. Never ko pong naranasan 'to with anyone else kasi iba po 'yung sobrang lapit ako sa lola so maraming salamat," giit pa ni Donny.

Read also

Cristy, napuri si Regine: "Merong magagaling pero ikaw pa rin ang nasa trono talaga"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, mapapansing maging si Belle Mariano ay naluha sa naging mensahe ng kanyang kapareha sa CBML sa kanilang "Mamang".

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Donny mula kay Dyan Castillejo ng ABS-CBN News:

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na 'He's Into her'.Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na 'Love is color blind,' at 'An Inconvenient Love.'

Samantala, si Belle Mariano ay isang singer at actress sa Pilipinas. Nagsimula siya sa murang edad kung saan napanood siya sa Goin' Bulilit. Mas lalong umugong ang pangalan ni Belle nang pumatok ang tamabalan nilang "DonBelle. Sa ngayon, patuloy na kaabang-abang ang mga kaganapan sa Can't Buy Me Love na nalalapit na rina ng pagtatapos.

Read also

Melai, hinangaan sa pagrespeto sa anak na ayaw pang magka-baby number 3

Kamakailan ay naibahagi ni Belle ang larawan ng 'Tiu sisters,' kung saan kasama niya sina Kaila Estrada at Maris Racal na pawang mga kapatid niya sa seryeng CBML.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel