Kylie sa ex na si Jake: "I have nothing but good things to say about him"

Kylie sa ex na si Jake: "I have nothing but good things to say about him"

- Nausisa ni Karen Davila si Kylie Verzosa patungkol sa ex nitong si Jake Cuenca

- Matatandaang nanatili umanong tikom ang bibig ni Kylie patungkol sa dahilan ng hiwalayan nila noon ng aktor

- Gayunpaman, nagpapasalamat raw siya sa kanilang pinagsamahan at nilarawan pa niya ito na isang 'good person'

- Sa naturang panayam din, kinumpirma ni Kylie ang bago niyang pag-ibig subalit napagkasunduan umano nilang isapribado ito

Sa pinakabagong episode sa kanyang YouTube channel, nausisa ni Karen Davila kay Kylie Verzosa ang tungkol sa ex-boyfriend nitong si Jake Cuenca.

Kylie sa ex na si Jake: "I have nothing but good things to say about him"
Kylie sa ex na si Jake: "I have nothing but good things to say about him" (@kylieverzosa)
Source: Instagram

Natanong ni Karen kung ano sa palagay ni Kylie bakit natapos ang relasyon nila noon ni Jake.

"That part of our lives, I would prefer to just keep it to the both of us. I'm grateful for everything that happened. He is such a good person and I have nothing but good things to say about him," giit ni Kylie na hanggang ngayo'y hindi pa rin nagdetalye ng anumang dahilan sa kanilang hiwalayan.

Read also

Donny Pangilinan, emosyonal nang pasalamatan si Nova Villa; Belle Mariano, naluha

"It's been two years now, I think... We've never seen each other,' ani Kylie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"We've never seen each other, we've never spoken. And I think it should be like that. I don't think exes should be... exes should remain exes," dagdag pa niya.

Matatandaang sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kamakailan, hayagan niyang sinabi na hindi siya naniniwalang dapat pang maging magkaibigan ang mag-ex na. Aniya, maaring maging civil lamang sa isa't isa subalit hindi na raw dapat maging magkaibigan pa.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Kylie mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Kylie Verzosa ay isang actress model at beauty queen. Taong 2016 nang hirangin siya bilang Miss International at siya ay ang ikalabing-isang Pinay na nakakuha ng koronang ito. Mula sa pagiging beauty queen, isa na rin siyang ganap na aktres sa telebisyon at pelikula at kasalukuyang bahagi ng It's Showtime.

Read also

Regine, sa naglabasang online petition na gawin siyang national artist: "Parang nahihiya ako"

Matatandaang sa panayam sa kanya ni Vice Ganda halos dalawang taon na ang nakalilipas sa YouTube channel nito, naiyak si Kylie nang amining nami-miss pa niya umano si Jake. Subalit nito lamang nakaraang taon, napabalitang mayroon nang non-showbiz boyfriend si Kylie.

Sa ngayon, abala si Kylie sa kanyang bagong pelikula na ipalalabas sa darating na April 26 kung saan kapareha niya si Paulo Avelino. Sa kanilang media conference na ginanap kamakailan, inamin ni Kylie na maging siya ay fan na rin ng KimPau, ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu. Maging siya ay kinikilig umano sa mga eksena ng dalawa sa bago nilang teleserye, ang Pinoy adaptation ng Korean series na 'What's Wrong With Secretary Kim.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel