Baron sa umano'y naging isyu noon sa Senior High: "Hindi naman kasi talaga ako nag-attitude"

Baron sa umano'y naging isyu noon sa Senior High: "Hindi naman kasi talaga ako nag-attitude"

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa nilinaw ni Baron Geisler ay ang umano'y naging isyu noon sa Senior High

- Inamin niyang isang direktor ang diretsang nagtanong sa kanya patungkol sa alak

- Subalit wala umano siyang naka-engkwentro sa nasabing serye

- Matatandaang napahinga ang karakter ni Baron sa Senior High upang magbigay daan sa shooting ng isang pelikula

Isa sa natalakay ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Baron Geisler ay ang tungkol sa naging isyu umano nito sa Senior High.

Baron sa umano'y naging isyu noon sa Senior High: "Hindi naman kasi talaga ako nag-attitude"
Baron Geisler (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Matatandaang si Ogie mismo ang nagbahagi ng nasagap niya sa isang source na tila may posibilidad umanong matanggal noon si Baron sa serye dahil sa 'di umano'y inasal nito na may kaugnayan sa alak.

"I fell off the wagon. But the good thing is, I bounced back forward na agad"

"Ang totoo naman. 'Yung pag-alis ko sa show, I shot a film. 'The Dearly Beloved'," paliwanag ni Baron.

Read also

Baron, inaming may isa pang anak na babae: "Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll house"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Hindi naman kasi talaga ako nag-attitude. Ang naging issue lang nila is, nilapitan ako ni Direk Onat (Diaz), you smell like alcohol. Did you drink. Yes, direk kanina," dagdag pa niya.

Ngunit ang nilinaw ni Baron ay ang tungkol sa nakaengkwentro niya raw sa set na wala umanong katotohanan.

"Gusto ko lang linawin, wala akong nakakaengkwentro sa set."
"Kasi kinausap ko silang lahat sa set. Sina Blythe, lahat... Sabi ko, may reklamo daw kayo sa akin 'yung lumalabas sa balita? Ha? Dad! Walang ganu'n. We got you, you know."
"Sumakit yung damdamin ko na bakit may dinagdag na may inaway ako sa set. Kung may improvement man sakin, okay sumablay ako and napagsabihan na rin ako ng boss regarding that. Hindi ako nagsinungaling. But hindi ko lang maintindihan 'yung meron akong inaway or meron akong binastos"

Read also

MTRCB chair Lala Sotto, nakwento ang pagkikita nila ni Vice Ganda

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula Ogie Diaz Inspires Youtube channel:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Isa rin sa patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang Dollhouse. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga tao.

Matatandaang naging kontrobersyal si Baron bago matapos ang taong 2023 sa pag-aakala ng marami na nakainom itong nagtungo sa media con ng Senior High. Inalam ni Ogie Diaz kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita noon ang tungkol sa alcohol addiction ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel