MTRCB chair Lala Sotto, nakwento ang pagkikita nila ni Vice Ganda

MTRCB chair Lala Sotto, nakwento ang pagkikita nila ni Vice Ganda

- Nabahagi ni Lala Sotto na nagkita sila ni Vice Ganda at masaya siya sa kanilang pagkikita

- Parehas daw silang nasa fashion show ni Paul Cabral at wala namang nag-introduce sa kanila pero nag-beso daw sila

- Hindi na raw sila nakapag-usap nang matagal matapos nilang mag-beso dahil mag-uumpisa na ang show

- Matatandaang naging usap-usapan ang pagsuspinde ng MTRCB sa It's Showtime dahil sa violations ayon sa naturang ahensya

Nagkita na raw sina Lala Sotto at Vice Ganda sa unang pagkkataon. Sa panayam na naibahagi sa GMA Integrated News YouTube channel, nabanggit ni Lala na nagkita sila sa isang fashion show ni Paul Cabral.

MTRCB chair Lala Sotto, nakwento ang pagkikita nila ni Vice Ganda
MTRCB chair Lala Sotto, nakwento ang pagkikita nila ni Vice Ganda
Source: Youtube

Isang interviewer ang nagtanong kung nagkita na ba sila ni Vice Ganda.

Yes, yes, yes. We finally met. Few days ago lang. So so happy to finally meet Vice Ganda. For the first time ko siya na meet in person.

Read also

RR Enriquez, rumesbak sa nagsabing manahimik na lang sya: "Mas may laman utak ko sayo"

Ayon sa kanya, masaya siya na nakita niya ito nang personal kahit walang nagpakilala sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Masayang-masaya ako na nameet ko siya in person.

Hindi na raw sila nakapag-usap nang matagal matapos nilang mag-beso dahil mag-uumpisa na ang show.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Sophia Reola, agaw pansin ang ganda sa Star Magic Prom

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel