RR Enriquez, rumesbak sa nagsabing manahimik na lang sya: "Mas may laman utak ko sayo"

RR Enriquez, rumesbak sa nagsabing manahimik na lang sya: "Mas may laman utak ko sayo"

- Kabilang si RR Enriquez sa mga personalidad na naghayag ng kanilang saloobin kaugnay sa nag-viral na resort na tinayo sa Chocolate Hills sa Bohol

- Para sa kanya, wala naman daw masama sa ginawa nila lalo kung makakatulong daw ito sa turismo ng bansa

- Gayunpaman, aniya ay hindi lang maganda ang pagkakagawa ng naturang resort kaya aniya ay sana paglaanan ng budget para mapaganda

- Isa-isa namang sinagot ni RR ang mga sumalungat sa kanyang opinyon tungkol dito

Rumesbak si RR Enriquez sa mga netizens na sumagot sa kanyang opinyon kaugnay sa viral na resort sa Bohol. Aniya, hindi siya apektado sa komento ng isa sa commenters dahil aniya ay alam niyang mas may laman ang utak niya.

RR Enriquez, rumesbak sa sumalungat sa opinyon nya: "Mas may laman utak ko sayo"
RR Enriquez, rumesbak sa sumalungat sa opinyon nya: "Mas may laman utak ko sayo"
Source: Instagram

Isa sa mga nagkomento na hindi sang-ayon sa opinyon ni RR ay nagsabing dapat ay manahimik na lamang siya.

Read also

Viral resort sa Bohol, nagkusa nang magsara matapos mag-viral

Minsan pag sawsawera dapat may laman din ang utak..Mahirap kasi ma back to you so pag hindi sure sa topic dapat maging opinion mo ay MANAHIMIK.. Or wag mo i public post para opinion m lang mag matter, and not to spread out STUPIDITY..Oops just my opinion

Ani RR, hindi naman siya apektado sa komento nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

I’m not affected because I know mas may laman utak ko sayo
RR Enriquez, rumesbak sa sumalungat sa opinyon nya: "Mas may laman utak ko sayo"
RR Enriquez, rumesbak sa sumalungat sa opinyon nya: "Mas may laman utak ko sayo"
Source: Instagram

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Read also

Maymay Entrata, biniro ni Vhong Navarro na sumalang sa Expecially for You

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Bilang isa sa mga babaeng nakilalang karelasyon ng PBA player, maraming beses nang naitanong kay RR sa comments section ng kanyang mga post ang tungkol sa paghihiwalay nina Scottie Thompson at Pau Fajardo. Kahit medyo matagal nang nangyari minabuti ni RR na maghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa isyu. Aniya, dapat ay tigilan na lamang ang pangbabatikos kina Scottie at sa misis nitong si Jinky Serrano dahil dapat ipagpasalamat na lang na nakawala si Pau sa ganoong relasyon. Ibinida din ni RR ang natural na kagandahan ni Pau na aniya'y nakapagpa-amaze talaga sa kanya nang una niyang makita ng personal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel