Karylle, naluha sa pag-propose ni Yael Yuzon para magpakasal silang muli

Karylle, naluha sa pag-propose ni Yael Yuzon para magpakasal silang muli

- Aminado si Karylle na naguluhan siya matapos biglang lumabas si Yael Yuzon para batiin siya sa matagumpay na pagtatanghal nila sa 'Rama Hari'

- Lingid sa kaalaman niya ay magpo-propose pala si Yael sa kanya para sa kanilang renewal of vows

- Ani Yael, hindi niya ito nagawa noon kay Karylle; ang mag-propose sa ganitong paraan dahil aniya ay dalawa lang sila noon sa loob ng kotse nang mag-propose siya

- Masaya naman si Karylle at agad na pumayag sa proposal ng asawa bago humiling na kantahan siya nito

Nagulat si Karylle sa grand gesture ng kanyang mister na si Yael Yuzon nang mag-propose ito sa kanya para magpakasal silang muli sa kanilang isang dekadang pagsasama. Ani Yael, hindi niya noon nagawa na mag-propose sa ganitong paraan dahil aniya ay dalawa lang sila noon sa loob ng kotse nang mag-propose siya.

Read also

Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"

Karylle, naluha sa pag-propose ni Yael Yuzon para magpakasal silang muli
Karylle, naluha sa pag-propose ni Yael Yuzon para magpakasal silang muli
Source: Youtube

Kwento pa ni Yael, ayaw ni Karylle ng surprise dahil gusto daw nito nakaplano ang mga gagawin niya. Kaya naman makikita sa mukha nito na tila naguguluhan niya.

Masaya naman si Karylle at agad na pumayag sa proposal ng asawa bago humiling na kantahan siya nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.

Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan Bang. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.

Naiyak si Karylle sa kanilang larong "Vest in Spelling" sa segment nilang "Palarong Pang-madla" sa It's Showtime. Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest. Bukod sa time pressure, hamon din sa mga host na matandaan ang mga titik sa kanilang harap at likod. Sa tuwing nakakatama sila ay nadadagdagan ang perang iniipon nila para ipamigay tuwing Sabado sa kanilang "Random Acts of Kindness."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel