Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"

Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"

- Nagbahagi si Toni Fowler ng kanyang saloobin sa gitna ng pangbabatikos sa kanyang ate na si Mari Fowler

- Humiling siya na sana ay unawain siya ng netizens dahil siya ang halos nagpalaki sa mga bata

- Gayunpaman, nang umalis ang pamilya nina Papi sa ToRo house ay hindi na niya masyadong nakakasama ang mga bata

- Ang tinutukoy ni Toni ay ang mga pamangkin nila na anak ng kanilang pinsan na si Harvey at partner nito na si Papi Galang

Hiling ni Toni Fowler na sana ay unawain ang kanyang ate na si Mari Fowler. Aniya, sa kanya kasi lumaki halos ang mga pamangkin nila kaya naman masama ang loob nito na hindi man lang niya mahawakan.

Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"
Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"
Source: Facebook
Sana maunawaan nyo si Ate sya halos nagpalaki ng mga bata ang ending halos hindi nya na mahawakan

Matatandaang sa huling episode nila sa kanilang reality show ay pumunta si Mari sa bahay nina Papi para makita ang pamangkin ngunit hindi siya kaagad pinapasok ni Papi kaya kinailangang pumunta ni Toni.

Read also

Andrea Brillantes, sinorpresa ng motor ang dalawang kasambahay nila

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel