Andrea Brillantes, sinorpresa ng motor ang dalawang kasambahay nila

Andrea Brillantes, sinorpresa ng motor ang dalawang kasambahay nila

- Binahagi ni Andrea Brillantes sa kanyang vlog ang pag sorpresa niya sa dalawang kasamabahay nila

- Binigyan niya ang mga ito ng motor dahil napag-alaman niyang ang isa sa kanila ay pinag-iipunan ang pambili nito at ang isa naman ay balak daw mag-loan

- Ang isa sa kanila ay anak ng kanyang unang yaya na aniya ay pumasok din sa kanila para makapag-ipon para sa motor na gagamitin nito sa kanyang pag-aaral

- Para na lang daw sa tuition niya ang kanyang naipon dahil binigyan na siya ni Blythe ng motor

Naiyak ang dalawang kasambahay nina Andrea Brillantes matapos nilang matanggap ang sorpresa sa kanila ni Blythe. Binigyan sila nito ng bagong motor.

Andrea Brillantes, sinorpresa ng motor ang dalawang kasambahay nila
Andrea Brillantes, sinorpresa ng motor ang dalawang kasambahay nila
Source: Youtube

Ani Andrea, napag-alaman niyang isa sa kanila ay nag-iipon para sa pambili ng motor at ang isa naman ay humingi daw ng papeles para sa requirements nito sa loan sana niya para ipambili din ng motor.

Read also

Luis Manzano at Jessy Mendiola, dalawang beses kinasal sa Palawan

Napagpasyahan niyang bigyan na lang daw niya ang kanyang mga ate ng bagong motor at parehas silang naging emosyonal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel