Luis Manzano at Jessy Mendiola, dalawang beses kinasal sa Palawan

Luis Manzano at Jessy Mendiola, dalawang beses kinasal sa Palawan

- Binahagi ni Luis Manzano ang ilang kaganapan sa kanilang kasal ni Jessy Mendiola sa pamamagitan ng kanyang vlog

- Biro ni Luis kaya siya nag-vlog kahit kasal niya para may pangbawi daw sa laki ng kanilang ginastos

- Nabanggit niya rin na dalawang beses ang kanilang kasal dahil ginanap ang isang ceremony sa simbahan at isa naman sa beach

- Naibahagi din ni Luis ang same day edit video na ginawa naman ng Bob Nicolas Wedding Films

Pinasilip ni Luis Manzano ang naging kaganapan sa kasal nila ni Jessy Mendiola sa Palawan. Nabanggit nila na dalawang beses silang kinasal doon, isa sa simbahan at isa pa sa beach.

Luis Manzano at Jessy Mendiola, dalawang beses kinasal sa Palawan
Luis Manzano at Jessy Mendiola, dalawang beses kinasal sa Palawan
Source: Youtube

Inunahan na nila ang mga netizens na ani Luis ay magmamarunong na magsasabing bakit sa beach ang kasal kung church wedding.

Ito din daw ang unang pagkakataon na nakita ng pamilya ni Jessy sa personal ang anak nilang si Rosie.

Read also

Andrea Brillantes, sinorpresa ng motor ang dalawang kasambahay nila

Biro ni Luis kaya siya nag-vlog kahit kasal niya para may pangbawi daw sa laki ng kanilang ginastos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Toni Fowler, humingi ng pang-unawa para sa ate niya: "Sya halos nagpalaki ng mga bata"

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel