Karylle, nagpatulong kay Ryan Bang para sa kanyang performance

Karylle, nagpatulong kay Ryan Bang para sa kanyang performance

- Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan Bang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS

- Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle

- Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan

Kinaaliwan ng mga netizens ang binahaging video ni Karylle kung saan nagpatulong siya sa Hangul para sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Maririnig ang pagtaas ng boses ni Ryan Bang habang tinuturuan nito si Karylle.

Karylle, nagpatulong kay Ryan Bang para sa kanyang performance
Ryan Bang (@ryanbang)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan. Aniya top 1 siguro siya sa school kung si Ryan ang maguturo sa kanya.

Read also

Kim Chiu, masaya sa pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime

top 1 siguro ako sa school kung teacher ko si Ryan. Ibang style!

Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle.

hahaha galit na galit gustong manakit ni @ryanbang ikaw naman @anakarylle bawal mag kamali para di kami nagugulat kapag nasisigawan ka
Pra atang nka bawi si Ryan dito na sya ang strikto at galit hahaha!
Para sa mga nagsasabing galit si Ryan, di po siya galit. Ganyan lang po talaga yung tono ng pananalita niya

Kilalang malapit sa isa't-isa sina Ryan at Karylle kaya marami sa mga netizens ang naaliw sa post na ito ni Karylle.

Nakasama na rin ni Ryan si Karylle sa kanyang mga naunang vlog.

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Read also

Cristy Fermin sa sariling eulogy ni Sheryl Cruz para kay Susan Roces; "Binggansa, paghihiganti"

Matatandaang agad na nag-viral ang video kamakailan sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.

Kasunod naman ng viral na video na ito ay napatawag umano si Ryan kay Jason Francisco. Ito ay para ikwento ang sinabi ni Yeng tungkol sa kanilang nakaraan. Ayon kay Melai, si Jason umano ang kasama noon ni Ryan tuwing manliligaw siya kay Yeng.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel