Cristy Fermin sa sariling eulogy ni Sheryl Cruz para kay Susan Roces; "Binggansa, paghihiganti"

Cristy Fermin sa sariling eulogy ni Sheryl Cruz para kay Susan Roces; "Binggansa, paghihiganti"

- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin sa umano'y pagsasagawa ng sarili eulogy ni Sheryl Cruz para sa tiya na si Susan Roces

- Marami umano ang nagtaka kung bakit hindi napagsalita si Sheryl sa mismong lugar kung saan nakalagak ang labi ng kanyang "Mama Inday"

- Ani Cristy, tila nagkaisa ang pamilya "Sonora" na huwag nang bigyang pagkakataon pa na magsalita si Sheryl kaya naman naglabas ito ng sarili niyang video sa social media

- Sinsabing ang hidwaang ito ay nagmula sa naging komento ni Sheryl na anak ni Susan na si Senator Grace Poe sa pagiging 'ampon' umano nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa maiinit na tinalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa kanyang bagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang pagkakaroon na lamang ni Sheryl Cruz ng sarili niyang eulogy para sa yumaong tiyahin na si Susan Roces.

Read also

Alex Gonzaga, natuwa sa -viral niyang tweet na may 'unity' comments ng netizens

Cristy Fermin sa sariling eulogy ni Sheryl Cruz para kay Susan Roces; "Binggansa, paghihiganti"
Photo: Sheryl Cruz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na marami umano ang nakapansin na kahit anak ng kapatid ni Susan si Sheryl, hindi raw ito nabigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng eulogy sa 'Queen of Philippine Movies.'

Dahil dito, naglabas ng sarili niyang video ng pagpupugay sa kanyang "Mama Inday" sa kanyang social media.

Doon niya ibinuhos ang pasasalamat at pagpagmamahal sa kanyang tiya na umano'y parang naging ina na rin niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit sa nasabing video rin na ito, napansin nina Romel Chika na hindi pa rin daw nabanggit ni Sheryl ang pangalan ni Senator Grace Poe.

Sinasabing nag-ugat umano ang hidwaan ng mga ito nang magpakawala ng mga salita si Sheryl patungkol sa pagiging ampon ng senador at hindi kadugo.

Gayunpaman, nasabi ng mga host ng Showbiz Now Na! na ang burol sana ni Susan Roces ang ginawang daan ni Sheryl upang magpakumbaba sa kanya umanong nagawa.

Read also

Tweet ni Alex Gonzaga ukol sa kanyang internet connection, viral

Nang tanungin naman ni Morly si Cristy kung ano ang masasabi nito sa sariling eulogy ni Sheryl, tila isa umano itong 'paghihiganti.'

"Binggansa, paghihiganti. Kasi sabi niya, 'marami pong nagtatanong kung bakit hindi ako nagsasalita sa wake ng tita ko... Kaya ngayon po, ito ay gagawin ko para sa inyo kung gaano kaganda ang aming samahan at kung gaano ko kamahal si Mama Inday, yan ang sinabi niya,"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. Binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.

Nakilala rin siya bilang "Lola Flora" o "Lola Kap" sa FPJ: Ang Probinsyano, ang lola ng bidang si Coco Martin.

Read also

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

Matapos ang ilang taong pamamahinga sa pagsama sa taping ng Ang Probinsyano, nabigyan ng sandaling pagkakataon na makalabas muli sa serye si Roces.

Isa na nga rito ang emosyonal nitong eksena na ipinalabas bago matapos ang taon 2021.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel