Karylle, naiyak matapos magkamali sa game nilang "Vest in Spelling"

Karylle, naiyak matapos magkamali sa game nilang "Vest in Spelling"

- Naiyak si Karylle sa kanilang larong "Vest in Spelling" sa segment nilang "Palarong Pang-madla" sa It's Showtime

- Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest

- Bukod sa time pressure, hamon din sa mga host na matandaan ang mga titik sa kanilang harap at likod

- Sa tuwing nakakatama sila ay nadadagdagan ang perang iniipon nila para ipamigay tuwing Sabado sa kanilang "Random Acts of Kindness"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naluha si Karylle matapos ang kanyang naging pagkakamali sa game nilang "Vest in Spelling" sa It's Showtime. Napaupo ito sa sahig matapos nilang mabigong madagdagan ang perang kanilang ipapamigay sa kanilang "Random Acts of Kindness".

Read also

Vice Ganda, gumastos ng mahigit P300,000 nang ipag-shopping ang inaanak

Karylle, naiyak matapos magkamali sa game nilang "Vest in Spelling"
Karylle, naiyak matapos magkamali sa game nilang "Vest in Spelling" (@anakarylle)
Source: Instagram

Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest. Bukod sa time pressure, hamon din sa mga host na matandaan ang mga titik sa kanilang harap at likod.

Hindi naman mali ang kanilang sagot na Salonga ngunit si Karylle ang pumindot sa buzzer kaya kinailangan niyang umalis sa kanyang pwesto sa pinakahulihan ng kanilang pila.

Hindi iyon tama dahil ayon sa panuntunan ng kanilang laro, kailangang buo na ang kanilang sagot kapag pumindot sila ng buzzer.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Katwiran naman ni Karylle, nataranta din siya dahil sa music na nakakadagdag sa naramdaman nilang tensiyon. Saad pa ni Karylle, napuna ng kanyang mister ang mga mali nilang sagot.

Read also

Charo Santos, hindi inakalang mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng action scenes

Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.

Kinasal siya kay Yael Yuzon na vocalist at guitarist ng bandang Sponge Cola. Matatandaang kamakailan ay naging kontrobersiyal ang reaksiyon ni Vice Ganda habang nagsusumamo kay Karylle na huwag iwan ang It's Showtime.

Matatandaang naging usap-usapan ang TV host-singer matapos lumabas ang balitang nagdadalang-tao na ito. Kasunod ito ng usap-usapang mensahe ni Vice Ganda sa kanya na huwag niyang iwan ang "It's Showtime" sa kanyang Birthday special.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel