Karylle, trending sa socmed kasunod ng paglabas ng balitang buntis siya

Karylle, trending sa socmed kasunod ng paglabas ng balitang buntis siya

- Trending sa social media si Karylle matapos lumabas ang balitang nagdadalang-tao na umano siya

- Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon sa panig ng TV host o kahit sa asawa nitong si Yael Yuzon

- Matatandaang naging emosyonal si Vice Ganda kamakailan habang nagsusumamo sa kanyang huwag iwan ang 'It's Showtime'

- Dahil dito ay marami ang lalong nakumbinsing totoo ang balitang buntis na nga si Karylle

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang TV host-singer na si Karylle matapos lumabas ang balitang nagdadalang-tao na ito.

Kasunod ito ng usap-usapang mensahe ni Vice Ganda sa kanya na huwag niyang iwan ang "It's Showtime" sa kanyang Birthday special.

Karylle Padilla, trending sa socmed kasunod ng paglabas ng balitang buntis siya
Karylle (@anakarylle)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang ulat na inilathala sa PhilStar, lumabas ang balitang sa wakas umano ay buntis na nga si Karylle. Ito umano ang dahilan na hindi muna mapapanood sa It's Showtime ang TV host-singer.

Read also

Sanggol na buong tapang na isinilang ng inang positibo sa COVID-19, hindi nahawa sa virus

Naiulat din sa panulat ni Erlinda Rapadas ng Bulgar Online ang umano'y pagdadalang-tao ni Karylle.

Sa isang ulat ng Manila times sa panulat ni Iza Iglesias noong 2018, sinabi ng mag-asawang handa na umano silang magka-baby hindi dahil sa pressure kundi dahil nararamdaman nilang napapanahon nang magka-anak sila.

Matatandaang sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan kamakailan nakatanggap ng mensahe si Karylle mula sa kanyang mga co-hosts. Para kay Vice Ganda, napakabait na tao ni Karylle dahil wala umano itong masamang tinapay sa kahit sinuman.

Hiniling naman ni Vice Ganda sa kanya na sana ay huwag niyang iwan ang kanyang It's Showtime family.

Emosyonal naman ang naging sagot ni Karylle dito. Lalong marami ang naniwala sa balita dahil sa mensaheng ito ni Vice Ganda sa kanyang co-host.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinasal siya kay Yael Yuzon na vocalist at guitarist ng bandang Sponge Cola.

Matatandaang kamakailan ay naging kontrobersiyal ang reaksiyon ni Vice Ganda habang nagsusumamo kay Karylle na huwag iwan ang It's Showtime.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel