Sanggol na buong tapang na isinilang ng inang positibo sa COVID-19, hindi nahawa sa virus
- Nagnegatibo sa COVID-19 test ang isinilang na sanggol ni Patricia Anne Asedillo
- Labis na nangamba ang ina dahil nagpositibo siya sa virus bago siya manganak
- Ngunit hindi pa man siya tuluyang gumagaling nang makaramdam na siya ng contractions kaya kinakailangan na niyang iluwal ang baby
- Talagang nag-ingat ang ina hanggang sa makapanganak at hindi naman siya nabigo dahil negatibo ang kanyang baby sa COVID-19
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tila isang himala ang nangyari sa panganganak ni Patricia Anne Asedillo matapos na lumabas na negatibo sa COVID-19 ang kanyang baby.
Nalaman ng KAMI na bago pa manganak si Patricia ay nagpositibo na ito sa COVID-19 kaya naman ganoon na lamang ang pangamba niyang baka mahawa ang kanyang sanggol.
Sa panayam sa kanya ng GMA News, idinetalye ni Patricia ang pinagdaanan niya hanggang sa makapagsilang ng malusog na baby.
"Mag-isa kang naka-confine for so many days, Lalong tumataas 'yung anxiety mo. And then, 'yun na nga kahit scheduled for cesarean until magclear 'yung symptoms ko, mawala 'yung cough ko, matapos 'yung antibiotics, bigla akong nag-labor."
Talagang doble-doble ang pag-iingat ni Patricia na hanggang sa panganganak ay nagsuot ng face mask para masigurong hindi mahahawa ang kanyang bagong silang na sanggol.
At kahit may COVID-19, sinikap ni Patricia na mailapit sa kanya at mapa-breastfeed ang sanggol na siyang mahalaga para sa immunity nito.
Unang nagpositibo si baby sa isinagawang COVID-19 test ngunit makalipas ang ilang oras, nare-swab ito kung saan lumabas na negatibo na siya sa virus.
Sa ngayon, nakauwi na ang mag-ina sa kanilang tahanan at parehong maayos na ang kanilang kalagayan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa kasagsagan ng COVID-19 sa bansa noong taong 2020, malaking bahagdan ng mga naitatalang namamatay ay mga sanggol. Madalas din noon ang pagkasilang sa mga sanggol na positibo na agad sa naturang virus.
May ilang mga kaso kung saan, mag-isang pumanaw sa ospital na hindi manlang nasamahan ng kanilang mga magulang sa huling sandali.
Mayroon din namang kahit negatibo sa COVID-19, kamalasan ay pumanaw din kakahanap ng ospital na tatanggap sa sanggol.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh