Charo Santos, hindi inakalang mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng action scenes

Charo Santos, hindi inakalang mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng action scenes

- Binahagi ni Charo Santos ang kanyang pasasalamat sa mga tumangkilik at tumanggap sa karakter niya bilang si Ramona sa 'FPJ's Ang Probinsiyano'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Aniya, sino ang mag-aakalang mabibigyan siya ng pagkakataong gumawa ng action scenes matapos ang kanyang 45 na taon bilang artista

- Kalakip ng kanyang mensahe ay binahagi niya ang ilan sa mga pictures at behind-the-scene clips mula sa kanyang mga naging eksena sa Probinsiyano

- Marami naman ang bumilib sa pinakitang husay niya lalo at matagal na panahon siyang napapanood sa Maalaala Mo Kaya kung saan nakikita siya bilang malumanay na tagapagsalaysay ng mga kwento

Nagpasalamat si Charo Santos sa mainit na pagtanggap at pagtangkilik sa kanyang karakter bilang si Ramona sa FPJ's Ang Probinsiyano. Maging siya ay hindi inakalang mabibigyan pa ng pagkakataong gumawa ng action scenes matapos ang kanyang 45 na taon bilang artista.

Charo Santos, hindi inakalang mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng action scenes
Charo Santos, hindi inakalang mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng action scenes (@charosantos)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Kalakip ng kanyang mensahe ay binahagi niya ang ilan sa mga pictures at behind-the-scene clips mula sa kanyang mga naging eksena sa naturang serye.

Sino ang magaakalang after 45 years sa industriya ay mabibigyan pa ako ng pagkakataong makagawa ng action scenes. Maraming salamat for this opportunity #FPJsAngProbinsyano @dreamscapeph @cocomartin_ph.
At salamat din po sa inyong pagtanggap at pagtangkilik kay Ramona.

Marami naman ang bumilib sa pinakitang husay niya lalo at matagal na panahon siyang napapanood sa Maalaala Mo Kaya kung saan nakikita siya bilang malumanay na tagapagsalaysay ng mga kwento.

Ang galing nyo nga po Ms Charo pati dalaga ko nagulat sa roll nyo kasi nasanay lang kami na drama. Pero astig po!
You’re brilliant out there po! I had goosebumps nung pinakita kayo sa tv!

Galing2 nyo yung eye movements pa lang pak na pak na yan ang kulang sa mga bagong artista ngayon.

Si María Rosario Santos Concio o mas kilala sa kanyang screen name na Charo Santos-Concio or ay isang media executive at Pinay actress. Siya ang host ng pinakamatagal na television drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya.

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Charo ang isang throwback picture ng kanyang magazine cover. Samantala, bumuhos ang pagbati mula sa mga artista sa pagdiriwang ng ika-65 na kaarawan niya.

Sa isang Instagram post niya, natawa na lamang si Charo sa kanyang mga apo nang ibuking siya ng mga ito sa kanyang ibinahaging video. Ayon sa mga apo niya, naghihilik umano ito kapag natutulog at nasaksihan umano nila ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel