Ion Perez, namahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac

Ion Perez, namahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac

- Pinakita ni Ion Perez ang kanyang pamamahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac

- Sa kanyang binahaging video ay umuwi siya sa kanilang lugar at namahagi ng bigas sa 50 na tao mula sa kanilang lugar

- Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich sa ilan sa mga tao sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanyang feeding program

- Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya

Sa pag-uwi ni Ion Perez kamakailan sa lugar nila sa Tarlac, nagkaroon siya ng feeding program para sa mga ka-lugar niya. Namigay din siya ng bigas sa 50 na pamilya na pumunta sa kanilang bahay.

Ion Perez, namahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac
Ion Perez, namahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac (@pereziion27)
Source: Instagram

Pinasalamatan ni Ion si Vice Ganda para umano sa kanyang pag-sponsor sa pinamigay niyang sampung sakong bigas. Personal din siyang tumulong sa pag-repack ng bigas.

Read also

Awra Briguela, naglabas ng saloobin matapos mawalan ng cellphone sa MOA Arena

Bukod sa kanyang feeding program ay mayroon ding libreng gupit na ginanap din sa bahay nila. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga viewers:

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Ikaw ang literal na marunong tumingin o lumingon sa pinang galingan! God bless you more Ion!
Marami pang blessings ang darating sayo ion, kasi marunong ka mag share. Godbless you and meme
Very good boss Ion,ipagpatuloy mo yan sa mga kababayan mo ang makatulong tuwing may biyaya ka.maraming bata napasaya mo kahit sa konting biyaya maibigay mo napakasaya na nila at nagkakaroon ng sama sama.

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Read also

Charo Santos, hindi inakalang mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng action scenes

Marami ang natuwa kay Ion Perez dahil naisip niyang bilhan ng massage chair si Vice Ganda dahil kapag umiinit umano ang ulo nito minsan ay gusto niyang magpamasahe. Hindi man ito hiningi ni Vice sa kanya, ito umano ang naisip niyang iregalo kay Vice.

Sa isa sa kanyang naunang vlog, hindi napigilang maging emosyonal ni Ion habang nagbibigay siya ng mensahe para sa kanyang Nanay Zeny na nagdiwang ng kanyang ika-70 na kaarawan. Binanggit ni Ion kung gaano kabuting ina ang kanyang nanay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel