Awra Briguela, naglabas ng saloobin matapos mawalan ng cellphone sa MOA Arena

Awra Briguela, naglabas ng saloobin matapos mawalan ng cellphone sa MOA Arena

- Binahagi ni Awra Briguela ang kanyang karanasan nang manood siya ng UAAP women’s volleyball sa MOA Arena

- Aniya, habang marami ang nagpapa-picture ay agad na gumalaw ang mga taong kumuha ng cellphone niya

- Naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma lock na ito

- Dodoblehin pa umano niya ang limang libong makukuha sa kanya sakaling maibalik ang kanyang cellphone dahil aniya ay maraming mahalagang files sa kanyang cellphone

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas ng sama ng loob si Awra Briguella matapos mawalan ng cellphone dahil marami umano ang nagpapa-picture sa kanya habang nanonood ng UAAP women’s volleyball sa Mall of Asia Arena.

Dodoblehin pa umano niya ang limang libong makukuha sa kanya sakaling maibalik ang kanyang cellphone dahil aniya ay maraming mahalagang files sa kanyang cellphone.

Read also

Ion Perez, namahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac

Awra Briguela, naglabas ng saloobin matapos mawalan ng cellphone sa MOA arena
Awra Briguela, naglabas ng saloobin matapos mawalan ng cellphone sa MOA arena (@awrabriguela)
Source: Instagram

Sa isang tweet ay naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang phone sakaling ma-lock na ito.

Nangako din siyang hindi niya ilalabas ang pagkakakilanlan ng nakakuha ng kanyang cellphone.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Again sa kumuha ng phone paki balik nalang po kase hindi nyo rin po talaga yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik nyo. yung 5k na nakuha den dodoblehin ko you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. sobrang dami lang important files sa phone.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Ina ng napaslang na Grab driver na si Jang Lucero, nanawagan ng tulong sa publiko

Sa kanyang tweet kamakailan ay inihayag ni Awra ang kanyang pagmamahal at suporta sa kanyang malapit na kaibigang si Zeinab Harake. Pinaringgan din nito ang taong hindi na niya pinangalanan na aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat.

Muling umingay ang isyu matapos i-retweet ni Valentine Rosales ang tweet ni Awra Briguela kaugnay sa taong aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat. Buwelta ni Valentine, pinatamaan umano ni Awra yung sarili niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel