Ina ng napaslang na Grab driver na si Jang Lucero, nanawagan ng tulong sa publiko

Ina ng napaslang na Grab driver na si Jang Lucero, nanawagan ng tulong sa publiko

- Humingi ng tulong ang ina ni Jang Lucero para mapabilis na matunton ang aniya'y suspek sa pagpatay sa kanyang anak

- Sa isang post ay nasabi ng ina ng napaslang na lady driver na may warrant na umano sa suspect mula sa Branch 105 Calamba, Laguna

- Matatandaang gumimbal sa marami ang balita tungkol sa pagkakapaslang sa lady driver na si Jang noong June 28, 2020

- Sa nalalapit na ikalawang taon ng kanyang pagpanaw, marami ang humihiling na sana ay makamit na nito ang hustisya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Humiling ng tulong si Angela Lucero, ina ng napaslang na lady driver na si Jang Lucero. Nais niyang matunton na kaagad ang suspek umano sa pagpaslang sa anak na aniya ay mayroon nang warrant of arrest.

Ina ng napaslang na Grab driver na si Jang Lucero, nanawagan ng tulong sa publiko
Ina ng napaslang na Grab driver na si Jang Lucero, nanawagan ng tulong sa publiko (Photo from Jang Lucero's Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang post ay diretsahan niyang pinangalanan ang tinutukoy niyang suspek. Matatandaang gumimbal sa marami ang balita tungkol sa pagkakapaslang sa lady driver na si Jang noong June 28, 2020.

Read also

Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog

Sa nalalapit na 28 ay magdadalawang taon na ang kanyang kamatayan at marami sa mga netizens ang umaasa na sana ay mabigyan na ito ng hustisya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Robyn Jang Lucero ay ang lady driver na natagpuang tadtad ng saksak sa Calamba, Laguna. Dahil sa tindi ng tinamong saksak ni Jang, marami sa mga netizens ang nais makatulong upang mabigyan ng ito ng hustisya.

Nauna nang naaresto ang dating kasintahan ni Meyah na si Ann Sheila Montes Belarmino. Gayunpaman, dahil sa kakulangan umano ng ebidensiya, pinakawalan din si Belarmino. Iginiit ng kanyang abogado na hindi siya ang pumaslang kay Jang. Matapos mapakawalan ay naghayag ng kanyang pasasalamat si Belarmino dahil sa mga taong nagtiwala umano sa kanya. Naiiyak umano siya habang ginagawa ang mensahe niya ng pasasalamat sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Matatandaang idinulog ng ina ni Jang sa programa ni Erwin Tulfo na "Tutok Tulfo" para humingi ng tulong sa paghahanap ng hustisya para sa pagkapaslang sa kanyang anak. Nais niyang mapaembistigahan ang karelasyon ng anak na si Meyah Amatorio matapos niyang makatanggap ng mga kopya ng umano'y mga mensahe ng anak na nagpapakita ng kanyang mga pasa na gawa ng karelasyon dahil nais na nitong makipaghiwalay kay Meyah.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel