Vice Ganda, aminadong hindi naging madali ang pinagdadaanan

Vice Ganda, aminadong hindi naging madali ang pinagdadaanan

- Ayon kay Vice Ganda, exhausting ang kanyang mga pinagdaanan nitong mga nakaraang araw

- Gayunpaman, may mga magagandang bagay pa rin naman umanong nangyayari sa kanyang buhay

- Nagpasalamat siya sa madlang pipol at sa kanyang mga supporters na nagdadasal para sa kanyang kalusugan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Vice Ganda ang kanyang mga tagasuporta sa kabila ng mga nangyari sa kanyang buhay. Sa isang Instagram post, binahagi ni Vice ang isang mensahe para sa madlang pipol at sa mga tagasuporta.

Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog
Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Aniya, hindi naging madali ang pinagdaanan niya nitong mga nakaraang araw. madami umanong nangyari sa buhay niya. Aniya, sa lahat ng pinagdaanan niya ay ilan lang ang alam ng publiko at nakakapagod umano ang pinagdaanan niya.

Gayunpaman alam niya umanong marami ang nagdadasal para sa kanyang kalusugan. Ito umano ang nagpapasigla sa kanya para patuloy na magpasaya sa mga tao. Aniya, excited siyang gumising araw-araw at gigil na gigil siyang pasayahin ang madlang pipol at ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Aniya, araw-araw ay nakakatanggap siya ng pagmamahal at suporta mula sa mga tao. Pinasalamatan niya ang madlang pipol at ang kanyang mga tagasuporta na kilala sa tawag na "Little Ponies."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami naman sa mga followers niya at mga kaibigan ang naantig sa mensaheng ito ni Vice na may kasama pang voice over niya.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Matatandaang nasampolan si Vice Ganda ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro. Muling ginawa ng dalawang dating miyembro ng Streetboys ang dating ginagawa nila kay Vice Ganda at hindi ito napaghandaan ni Vice.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel