Barbie Imperial, sinorpresa ang ilang online food delivery riders

Barbie Imperial, sinorpresa ang ilang online food delivery riders

- Sinorpresa ni Barbie Imperial ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order

- Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila

- Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya

- Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Barbie Imperial, nais niyang magbahagi ng biyaya dahil sa maraming blessings na dumating sa kanya. Sa kanyang bagong vlog ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders.

Barbie Imperial, sinorpresa ang ilang online food delivery riders
Barbie Imperial, sinorpresa ang ilang online food delivery riders (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Siya mismo ang nag-order at siya din ang nag-abot sa pagkain sa mga riders. Pinakita niya sa kanyang vlog ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila.

Pinasalamatan din niya ang mga ito dahil sa kanilang trabaho na hindi alintana ang init at ulan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Naging usap-usapan din ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ni Diego matapos ang mahigit isang taon nilang relasyon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel