Vice Ganda, gumastos ng mahigit P300,000 nang ipag-shopping ang inaanak

Vice Ganda, gumastos ng mahigit P300,000 nang ipag-shopping ang inaanak

- Pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang si Ethel Booba matapos niyang makita ito sa unang pagkakataon

- Dinala nila ang bata sa toy store at si Vice ang nagbayad sa lahat ng laruan na nagustuhan ni Michaela

- Umabot sa P124,000 ang kanyang binayaran sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel

- Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili

Pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak na anak ng kanyang kaibigang si Ethel Booba. Umabot sa mahigit P300,000 ang presyo ng lahat ng kanyang binayarang mga damit at laruan ng inaanak.

Vice Ganda, gumastos ng mahigit P300,000 nang ipag-shopping ang inaanak
Vice Ganda, gumastos ng mahigit P300,000 nang ipag-shopping ang inaanak (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Tuwang-tuwa si Michaela nang dalhin nila ito sa toy store kung saan siya mismo ang pumipili ng mga gusto niyang laruan. Umabot sa mahigit P124,000 ang binayaran ni Vice Ganda sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel.

Read also

Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog

Sunog naman silang pumunta sa bilihan ng mga damit. Si Vice Ganda din mismo ang namili sa ilang mga bestida at damit para sa inaanak. Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili.

Marami ang namangha at humanga sa pagiging galante nito sa kanyang inaanak:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

The content I've been waiting for. More Meme Vice content pls Ms Ethel. Ang swerte ni Mikhaela ang galante ni Ninang Vice
Grabe through out this video all I can say was “grabe” grabe napaka galante ni Vice like superrr wala akong masabi
So generous vice at apaka bait sa bata grave omg! lupet ng ninang mo baby shopping galore as in super bonggacious bebeh girl.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Gelli de Belen, nakipagsabayan sa katrabahong mga bagets sa pagti-TikTok

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Matatandaang nasampolan si Vice Ganda ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro. Muling ginawa ng dalawang dating miyembro ng Streetboys ang dating ginagawa nila kay Vice Ganda at hindi ito napaghandaan ni Vice.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel