Sarah G at Mommy Divine, nagkabati na ayon sa source ni Wendell Alvarez ng SNN

Sarah G at Mommy Divine, nagkabati na ayon sa source ni Wendell Alvarez ng SNN

-Nabanggit ni Wendell Alvarez ng Showbiz Now Na! na nagkabati na umano sina Sarah Geronimo at kanyang ina

- Naganap daw ito noong January ayon sa source ni Wendell

- Si Boss Vic Del Rosario umano ang namagitan sa pag-aayos ng mag-ina gayung malaki ang respeto ng mga ito sa Viva

- Matatandaang minsan nang napabalitang matagal na umanong sinusuyo ng mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli ang pamilya ni Sarah lalo na ang mga magulang nito

Sa February 18 episode ng Showbiz Now Na! nabanggit ni Wendell Alvarez na nagkaayos na umano sina Sarah Geronimo-Guidicelli at inang si Mommy Divine.

Sarah G at Mommy Divine, nagkabati na ayon sa source ni Wendell Alvarez ng SNN
Sarah Geronimo Guidicelli (@justsarahgph)
Source: Instagram

Ayon sa source umano ni Wendell, naganap ito noon pang Enero ng kasalukuyang taon.

"Si ano daw, si Mommy Divine at si Sarah daw, nagkabati ng January. Parang nag-uusap ng sandali. Parang ganun," ani Wendell.

"Parang ang nag-ano ata si Boss Vic Del Rosario," dagdag pa nito patungkol sa namagitan umano sa pag-aayos ng mag-ina.

Read also

Ogie D, nalamang split na muli umano sina Paulo at Janine ayon sa source: "Sana hindi totoo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Lagi naman si Boss Vic ang nag-go between e. Kasi siyempre, nirerespeto ni Sarah at ni Mommy Divine ang Viva dahil talaga namang naging buhay nila," ayon naman kay Cristy.

Matatandaang minsan na rin nilang naiulat ang nababalitaang patuloy na panunuyo nina Sarah at ni Matteo Guidicelli sa pamilya nito lalong lalo na sa kanilang magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Wendell at Romel Chika sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A Night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Read also

Cristy, umano'y naungkat ang hiwalayang BeaRald: "Pareho silang nang-ghosting"

Bukod sa pagiging isang napakahusay na singer/performer, pumatok din sa takilya ang ilang pelikula nila ni John Lloyd Cruz tulad ng 'A Very Special Love,' 'You Changed My Life,' 'It Takes a Man and a Woman,' at 'Finally Found Someone'

Noong Mayo, ipinagdiwang ni Sarah ang 20 taon niya sa showbiz sa isang concert na ginanap sa Araneta Coliseum. Usap-usapan ito lalo na at marami umanong nag-abang kung dadalo ang pamilya ni Sarah lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel