Ogie D sa faith healers ukol kay Kris: "Ang paniniwala ni Kris ay doon lang sa taas"

Ogie D sa faith healers ukol kay Kris: "Ang paniniwala ni Kris ay doon lang sa taas"

- Natalakay nina Ogie Diaz ang tungkol sa naging pahayag ni Kris Aquino kamakailan

- Ayon kay Ogie, marami ang mga faith healers na lumalapit sa kanya upang maparating kay Kris ang pagnanais na sila'y makatulong

- Nakarating naman umano ito kay Kris subalit ang paniniwala lang daw nito ay nasa itaas

- Sa kanyang kaarawan nito lamang Pebrero 14, si Kris mismo ang naglahad ng panibagong gamutan na gagawin sa kanya

Isa sa mga natalakay nina Ogie Diaz sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel ay patungkol kay Kris Aquino.

Ogie D sa faith healers ukol kay Kris: "Ang paniniwala ni Kris ay doon lang sa taas"
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Matatandaang sa programang Fast Talk with Boy Abunda, si Kris mismo ang nagpaunlak ng panayam at nagbigay ng update sa patuloy na gamutang ginagawa sa kanya.

Marami ang aminadong nag-alala lalo nang makita si Kris. Ilan pa nga rito ay nagbigay suhestyon na subukan ang alternative medicine.

Read also

Gf ni Andrew Schimmer, naiyak sa mensahe ni Xander sa kanya

Dahil dito, nabanggit ni Ogie na marami umanong faith healers ang nagpapatulong sa kanyang maipaabot kay Kris ang pagnanais nilang matingnan ito sa pagbabakasakaling magamot nila si Kris sa paraang alam nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Alam niyo sa totoo lang no, andaming nagme-message sa akin paano raw makakarating kay Kris yung kanilang mensahe na gusto siyang gamutin. Gusto siyang idaan sa herbal... alternative medicine. At saka yung mga faith healing na gusto nilang isagawa kay Kris. 'Yan sa totoo lang lahat ay nakarating kay Kris."

Gayunpaman, sinabi ni Ogie na mas lamang pa rin umano ang direktang pananampalataya ni Kris at nagtitiwala umano sa gamutang isinasagawa sa kanya ngayon.

"Pero ang paniniwala ni Kris ay doon lang sa taas. Hindi siya pwedeng kumawala doon sa pananlig niya kay Lord. Kung anuman ang gusto ni Lord na mangyari sa kanya."

Read also

Kris sa panibagong gamutan: "Pwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso ko"

Narito ang kabuuan ng talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte. Maituturing si Kris na isa sa pinakamahusay na talk show host dahilan para siya'y bansagan na Queen of all Media ng Pilipinas.

Kamakailan, sa kanyang social media post, pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.

Samantala, nabanggit din niya ang umano'y pagbabalik Pilipinas ni Bimby matapos ang kanyang kaarawan sa Pebrero 14 dahil sasabak muli ito 'di umano sa pag-aartista. Kailangan na raw umano nitong magtrabaho gayung patuloy na lumolobo ang kanyang medical bills.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel