Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"

Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"

- Naglabas si Christian Merck Grey ng aniya'y kanyang honest review sa event para sa 1st birthday ng anak nina Whamos Cruz at Antonette Gail na si Meteor

- Ani Merck, wala naman siyang masabi sa venue at pagkain dahil talaga namang masarap daw ang pagkain

- Gayunpaman, aniya ay hindi dapat nag-perform ang halos lahat ng kanilang pamilya kahit para sa bata yung party

- Late na rin daw nag-umpisa ang party at natapos na para kay Merck ay hindi dapat dahil children's party iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng opinyon niya si Christian Merck Grey kaugnay sa children's party para sa 1st Birthday celebration ng anak nina Whamos Cruz at Antonette Gail na si Meteor. Aniya sobrang daming nag-perform na hindi naman na daw dapat dahil birthday naman daw ng bata.

Read also

Whamos: "Sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment"

Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"
Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"
Source: Youtube

Bukod daw sa late na nag-umpisa ang party, wala din daw mga games para sa mga bata. Nilinaw niyang opinyon lang daw niya ito sa party.

Bukod kay Whamos, sumayaw din ang kapatid ni Whamos, ang tatay niya at si Antonette.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel