Whamos: "Sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment"

Whamos: "Sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment"

- Umalma si Whamos Cruz sa komento sa ginanap na 1st birthday ng anak niyang si Meteor kamakailan

- Wala itong binanggit na pangalan ngunit aniya ay hindi naman daw imbitado ang taong ito pero madami pang sinasabi

- Dagdag pa niya, sabit lang naman daw ito sa asawa niya na siyang imbitado pero marami pa raw itong sinasabi

- Ayaw daw sana niyang patulan ang taong ito pero nagmumukhang pangit daw ang birthday ng anak niya dahil sa mga sinabi ng taong ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Whamos Cruz ang komento ng isang taong hindi niya na pinangalanan. Aniya, hindi naman ito talaga imbitado at yung asawa lang nito ang inimbitahan nila sa 1st birthday ni Meteor.

Whamos: "Sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment"
Whamos: "Sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment"
Source: Facebook

Magsasalita din daw si Whamos sa live video para sagutin ang mga komento sa kanilang hinandang party para sa anak.

Read also

Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"

Ayaw daw sana niyang patulan ang taong ito pero nagmumukhang pangit daw ang birthday ng anak niya dahil sa mga sinabi ng taong ito.

"Langya di na nga imbitado sa bday ng baby ko ang dami pang sinasabi. Sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment sa mga nangyayari sa bday ng anak ko. Ano bang pakielam mo ehh sabit ka nanaman sa pangalan ko….abangan mo sasabihin ko sayo bukas. Gigil moko. Ayoko sana kita patulan kaso nagmumukang panget bday ng baby ko dahil sa sinasabi mo."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

Vince Flores: "Pakiramdam ko kasi under na under ako sa relasyon namin ni Jowa"

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel