Vince Flores: "Pakiramdam ko kasi under na under ako sa relasyon namin ni Jowa"

Vince Flores: "Pakiramdam ko kasi under na under ako sa relasyon namin ni Jowa"

- Naibahagi ni Vince Flores ang saloobin niya kaugnay sa kanilang relasyon ni Toni Fowler

- Ito ay matapos nilang muling nagkasagutan ni Toni dahil sa pagtaas niya ng boses kay Tyronia

- Aniya, pakiramdam niya ay under na under siya sa relasyon nila ni Toni

- Gayunpaman aniya, kailangan niyang tanggapin ito dahil alam daw niyang strong single mom ang pinili niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Vince Flores na pakiramdam niya ay under na under siya sa relasyon nila ni Toni Fowler matapos nilang muling nagkasagutan sa kanilang episode ng reality show nila. Gayunpaman aniya, kailangan niyang tanggapin ito dahil alam daw niyang strong single mom ang pinili niya.

Vince Flores: "Pakiramdam ko kasi under na under ako sa relasyon namin ni Jowa"
Vince Flores: "Pakiramdam ko kasi under na under ako sa relasyon namin ni Jowa"
Source: Youtube
Pakiramdam ko kasi under na under ako sa relasyon namin ni Jowa. Yun bang tipong baklang-bakla ako sa relasyon. Pero kailangan kong tanggapin na strong single mom yung pinili ko kaya I will be better.

Read also

Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"

Nagsimula ang kanilang pagtatalo matapos mataasan ng boses ni Vince si Tyronia. Dahil dito ay nagalit si Toni at nakikipaghiwalay na. Gayunpaman, hindi sumuko si Vince hanggang sa kinalaunan ay pinagbigyan na ni Toni ito dahil na rin sa anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay isang Filipina social media influencer, vlogger, at aktres. Siya ay nakilala sa kanyang mga online content, kabilang ang vlogs, challenges, at iba't ibang uri ng entertainment content na inilalathala sa kanyang mga social media channels. Mula nang magsimula siyang mag-vlog, sumikat siya sa online community. Bukod sa kanyang entertainment content, nagbibigay din siya ng personal na insights tungkol sa kanyang buhay at mga karanasan.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Pura Luka Vega, nag-react sa arrest order kay Toni Fowler

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel