Rita Gaviola, naiyak dahil sa bashers: "Bakit alam niyo ba pinagdadaanan ko?"

Rita Gaviola, naiyak dahil sa bashers: "Bakit alam niyo ba pinagdadaanan ko?"

- Naging emosyonal si Rita Gaviola na kilala bilang si Badjao Girl habang siya ay nasa live selling

- Ito ay matapos siyang maliitin at insultuhin ng ilang bashers habang nagtitinda siya sa kanyang TikTok shop

- Sinabihan siya ng bashers na bumalik na lang siya sa kalye at mamalimos kagaya sa dati niyang ginagawa

- Ani Rita, proud siya kahit namalipos siya noon dahil sa nalampasan niyang hirap sa buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Rita Gaviola aka Badjao Girl matapos siyang insultuhin ng bashers sa kanyang liuve selling, Sinabihan siya na bumalik na lamang sa kalye para mamalimos.

Rita Gaviola, naiyak dahil sa bashers: "Bakit alam niyo ba pinagdadaanan ko?"
Rita Gaviola, naiyak dahil sa bashers: "Bakit alam niyo ba pinagdadaanan ko?"
Source: Facebook

Ani Rita, kahit bumalik siya sa pamamalimos ay proud siya sa sarili niya kasi nalagpasan niya ang hiirap ng buhay.

Proud daw siya kahit lait-laitin siya sa pagiging Badjao niya, proud siya sa pagiging Badjao. Aniya, palibhasa hindi nila naranasan ang hirap sa pamamalimos.

Read also

Paye Galang, naiyak nang malamang buntis ang ate: "Sana nagpakumbaba na lang ako"

Sa kabila nito, marami sa mga netizens ang nagpahayag ng suporta nila kay Rita:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

She’s doing well. go Badjao Girl. don’t mind the bashers and haters
Bakit binabash eh may work naman sila sa BGC at nagli- live selling. Nagsusumikap si Rita wag nyo naman ibash
Awang awa ako kagabi sa kanya grabe yung mga comment akala mo di nakakranas ng hirap sa buhay basta nalang makapang husga ng kapwa.

Si Rita Gaviola ay unang nakilala sa bansag na "The Badjao Girl of Lucena" nang sumali siya sa Pinoy Big Brother 7 - Part 2: Teen Edition. Isa siyang katutubong Badjao na sumikat matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer habang nasa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Agad siyang nakilala sa social media dahil sa angkin nitong kagandahan.

Read also

KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang

Matatandaang umani ng samu't-saring reaksiyon ang pagsali ng boyfriend ni Karina Bautista sa Starstruck ng GMA-7. Namataan din si Rita Gaviola o mas kilala sa tawag na Badjao Girls sa nasabing talent search.

Si Rita ang nagwagi sa beauty contest sa isang episode nito sa "It's Showtime". Aniya, sumali siya sa patimpalak ng noontime show upang ipakita umano ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino. Hindi rin niya ikinailang gusto niyang sumali sa iba pang pageant kagaya na lamang sa Miss Universe. Bukod sa kanyang pagsali sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition', unang nakilala si Rita nang mag-viral ang kanyang picture sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate