Paye Galang, naiyak nang malamang buntis ang ate: "Sana nagpakumbaba na lang ako"

Paye Galang, naiyak nang malamang buntis ang ate: "Sana nagpakumbaba na lang ako"

- Naging emosyonal si Paye Galang nang makita niya ang sonogram at malamang buntis ang ate niyang si Papi Galang

- Hindi daw nila inasahang buntis si Papi dahil apat na buwan pa lang ang kanyang pangalawang anak

- Ani Paye, kung alam daw niya na buntis ang kanyang ate ay nagpakumbaba na lang siya para hindi na umabot sa pisikalan ang di pagkakaunawaan nila

- Inakala daw ni Papi na postpartum ang dahilan ng kanyang pagkakairita sa mga maliliit na bagay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Paye Galang nang malamang buntis ang kanyang ateng si Papi Galang. Aniya, kung alam daw niya na buntis pala ito, nagpakumbaba na lang siya sa ate niya.

Paye Galang, naiyak nang malamang buntis ang ate: "Sana nagpakumbaba na lang ako"
Paye Galang, naiyak nang malamang buntis ang ate: "Sana nagpakumbaba na lang ako"
Source: Youtube

Matatandaang sa naunang episode ay nagkapisikalan ang magkapatid dahil sa hindi pagkakaunawaan. Ani Papi, napansin daw niya na mabilis siyang mairita at inakala niyang dahil lang ito sa kanyang postpartum hormones.

Read also

Dating artistang si Brandy Ayala, kalunos-lunos ang kalagayan

Nabahala naman si Papi dahil daw hindi niya alam na buntis siya at gumamit siya ng contraceptive pills. Nakaapekto daw ito sa growth ng pinagbubuntis niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel