Dating artistang si Brandy Ayala, kalunos-lunos ang kalagayan

Dating artistang si Brandy Ayala, kalunos-lunos ang kalagayan

- Binalikan ni Morly Alinio ang lugar kung saan naninirahan ang 80's star na si Brandy Ayala

- Ikinabigla niya raw na makitang lalong lumala ang kalagayan nito dahil naibenta na ang bahay nila at kung saan-saan na lang siya natutulog

- Sa basurahan daw ito naghahanap ng kanyang makakain at wala pa rin sa katinuan ang dating aktres

- Matatandaang napabalita noon na ang dahilan nito ay ang pag-gamit niya ng pinagbabawal na gamot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Morly Alinio sa kanyang YouTube show ang kasalukuyang kalagayan ng 80's star na si Brandy Ayala. Pagala-gala na lang daw ito dahil nabenta na ang bahay nila.

Dating artistang si Brandy Ayala, kalunos-lunos ang kalagayan
Dating artistang si Brandy Ayala, kalunos-lunos ang kalagayan
Source: Youtube

Base sa kwento ng kanyang mga kabarangay, hindi raw ito tumatanggap ng pagkain at mas gusto niyang maghanap sa basurahan ng kanyang makakain.

Read also

Bea, binahagi ang paalala ng nanay niya: "You can never seduce a happy husband"

Sinubukan ni Morly na bigyan ito ng pagkain ngunit umayaw ito. TInanggap lamang niya ang baryang binigay sa kanya at bumili ng sigarilyo. Nagpumilit pa itong ibalik ang sukli sa baryang binigay sa kanya.

Matatandaang napabalita noon na ang dahilan nito ay ang pag-gamit niya ng pinagbabawal na gamot.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala si Brandy noong dekada '80 bilang isa sa "Liquor Beauties," at discovery siya ng controversial talent manager na si Rey dela Cruz. Makalipas ang halos dalawang dekada, naging paksa ng mga television talk show at public service program si Brandy dahil naging palabuy-laboy ito sa Divisoria, namamalimos at nanghihingi ng makakain.

Maging ang dating child star na si Jiro Manio ay nasira din ang showbiz career dahil sa pinagbabawal na gamot. Isa na ngayong co-facilitator si Jiro sa isang rehabilitation center sa Bataan. Ito umano ang isa sa mga pinagdalhan sa kanya noon, nang siya ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bagama't nami-miss ang pamilya, maayos ang pamumuhay ni Jiro na malaki umano ang pinagbago. Hanggang ngayo'y labis pa rin ang pasasalamat niya sa tumayo sa kanya bilang ina na si Aiai Delas Alas.

Read also

Ricardo Cepeda, inakalang 'prank' lang ang nangyari nang arestuhin siya

Labis pa rin umano ang pasasalamat ni Jiro sa tumayong ikalawang ina niya na si Ai-Ai Delas Alas. Ayon kay Jiro, nauunawaan niya noon si Ai-Ai nang tumigil na umano itong sumuporta sa kanya. Matatandaang si Ai-Ai ang makailang beses na nagmalasakit kay Jiro nang ito ay malulong sa ipinagbabawal na gamot.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel