Jiro Manio, isa na ngayong co-facilitator sa pinagdalhan sa kanya noon na rehab

Jiro Manio, isa na ngayong co-facilitator sa pinagdalhan sa kanya noon na rehab

- Isa na ngayong co-facilitator si Jiro Manio sa isang rehabilitation center sa Bataan

- Ito umano ang isa sa mga pinagdalhan sa kanya noon, nang siya ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot

- Bagama't nami-miss ang pamilya, maayos ang pamumuhay ni Jiro na malaki umano ang pinagbago

- Hanggang ngayo'y labis pa rin ang pasasalamat niya sa tumayo sa kanya bilang ina na si Aiai Delas Alas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binisita ni Julius Babao ang dating child star na si Jiro Manio na ngayo'y isa nang co-facilitator sa DOH Treatment and Rehabilitation center sa Bataan.

Jiro Manio, isa na ngayong co-facilitator sa pinagdalhan sa kanya noon na rehab
Jiro Manio (Julius Babao Unplugged YouTube channel)
Source: Youtube

Nagpaunlak ng panayam si Jiro kay Julius at ipinakita rin ang kanyang pinagkakaabalahan sa naturang rehab.

Kwento ni Jiro, doon din siya umano dinala noong siya ay nalululong pa sa ipinagbabawal na gamot.

Read also

Jiro Manio, 'di basta babalik sa showbiz; "Pinagbawalan po ako"

Matatandaang taong 2020 nang masangkot sa away si Jiro kung saan nakasuhan pa umano siya ng frustrated homicidѐ.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, nagdesisyon si Jiro na magbalik sa naturang rehabilitation center bilang isang staff.

Bagama't nakararamdam ng pagka-miss sa kanyang pamilya, hindi rin siya makauwi dahil sa kanyang seguridad.

"baka huntingin ako, or baka gumawa ng hindi maganda," ayon mismo kay Jiro.

Naikwento rin niya ang naging kontrobersyal na paglalaboy niya umano noon sa isang airport sa ating bansa

"Nagkaroon ng konting hindi pagkakaintindihan sa bahay namin. 'Yun po yung maraming balita po 'yun na gumamit ako ulit. tapos, yung epekto ng drύgs tumama sa functions ko. Hindi ko maisipan, bakit ba ako nandito, Hindi e, wala e. yun ang trip ko. Lumalaban yung epekto ng drύgs. Para pong lason. 'Yun ang naging epekto sa'kin," salaysay mismo ni Jiro.

Read also

Bagong pag-ibig ni Andrew Schimmer, ka-birthday ng yumaong partner

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Julius Babao:

SI Jiro Manio ay dating aktor sa Pilipinas. Lumabas siya sa iba't ibang mga programa at pelikula subalit ang tumatak na karakter sa kanya ay ang pagiging si 'Magnifico.'

Naging bahagi rin si Jiro ng pelikulang Tanging Ina na siyang naging daan upang makilala niya si Ai-ai Delas Alas na siyang tumayong ikalawang ina ni Jiro sa totoong buhay. Matatandaang si Ai-Ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab matapos itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International airport noong 2015.

Nakalabas ito noong Enero 2017 ngunit ibinalik rin dahil labis na nag-alala si Ai-Ai kay Shammy (pangalan ni Jiro sa 'Tanging Ina') kaya labag sa kalooban niyang ibinalik na muli ito sa rehab. Pebrero noong 2018, nagkaroon ng reunion ang 'Magnifico' stars na sina Jiro Manio at Isabella De Leon kung saan inulit pa nila ang 'iconic pose' nila sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel