Bea, binahagi ang paalala ng nanay niya: "You can never seduce a happy husband"

Bea, binahagi ang paalala ng nanay niya: "You can never seduce a happy husband"

- Naitanong ni Boy Abunda kay Bea Alonzo kung ano ang gagawin niya kung sakaling may pumasok na ibang babae sa relasyon nila ni Dominic Roque

- Aniya, hindi talaga maiwasang masaktan sa buhay at kailangan lang daw mahanap ang taong karapat dapat ipaglaban

- Dagdag pa niya, may posibilidad na ipaglaban niya si Dom pero hindi daw niya susugurin ang babae

- Naniniwala daw siya sa sinabi ng kanyang nanay na hindi maaakit sa iba ang isang asawang masaya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Bea Alonzo ang kanyang opinyon kaugnay sa pagkakaroon ng 3rd party sa isang relasyon. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, sinabi niyang hindi talaga maiwasang masaktan sa buhay at kailangan lang daw mahanap ang taong karapat dapat ipaglaban.

Bea, binahagi ang paalala ng nanay nya: "You can never seduce a happy husband"
Bea, binahagi ang paalala ng nanay nya: "You can never seduce a happy husband"
Source: Instagram

Binanggit niya rin na maaring ipaglaban niya si Dominic pero hindi raw niya susugurin ang babae dahil sa paalala ng kanyang nanay na hindi maaakit sa iba ang isang asawang masaya.

Read also

Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"

“Si Dom ’yung aawayin ko. Hindi talaga ako nang-aaway ever ng babae kasi paulit-ulit sinasabi sakin ng nanay ko ever since bata ako: you can never seduce a happy husband. If he’s happy, he can never be s3duced."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel