Rita Gaviola, nanalo sa beauty contest sa It's Showtime

Rita Gaviola, nanalo sa beauty contest sa It's Showtime

- Si Rita Gaviola ang nagwagi sabeauty contest sa "It's Showtime" nitong Huwebes

- Aniya, sumali siya sa patimpalak ng noontime show upang ipakita umano ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino

- Hindi rin niya ikinailang gusto niyang sumali sa iba pang pageant kagaya na lamang sa Miss Universe

- Bukod sa kanyang pagsali sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition', unang nakilala si Rita nang mag-viral ang kanyang picture sa social media

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling pinatunayan ni Rita Gaviola ang kanyang husay hindi lamang sa pagrampa kundi sa pagsagot sa mga tanong nang tanghalin siyang panalo sa beauty contest sa It's Showtime nitong Huwebes. Sumali umano siya sa patimpalak ng noontime show upang ipakita umano ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino.

Rita Gaviola, sumabak sa Its Showtime bilang isang #SexyBabe
Rita Gaviola/@itsritagaviola
Source: Instagram
"Gusto ko ipakita sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Badjao," aniya.

Read also

Dawn Chang, naghihintay din daw ng pruweba mula kay Cristy Fermin

Gusto din daw niyang maging magandang ehemplo sa kagaya niyang Badjao para magkaroon din sila ng kumpyansa sa kanilang mga sarili.

"Hindi porke't Badjao tayo, mamaliitin na lang tayo," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibahagi ni Rita ang naranasang panghahamak at pangmamaliit sa mga kagaya niyang katutubong Badjao dahil sa iniisip nitong mahihirap sila.

Marami naman ang natuwa sa dalaga dahil sa pinapakita nitong kumpiyansa sa kanyang sarili:

I think she deserve to represent her tribo our country as well, why not give her a chance since Miss U allow to have a translator.. I will be happy Rita if that will happen someday, just kept on going I know you can.
Gandang bata..so happy to see her na ganyan sya kasaya..sana mg aral pa para sa sarili nya at pamilya nya at sana may mentor sya para ma train na maayos.

Read also

MUP 2021 Beatrice Luigi, inilahad dahilan umano ng hiwalayan nila ni Kate Jagdon

Rita tuwang tuwa ako kanina ng nanonood ako sau, sana matupad lahat ang pangarap mo, damang dama ko ang kabutihang loob mo, di mo kinkahiya ang kinagisnan mo, bagkus pinagmamalaki mo pa ang mga magagandang bajao na katulad mo.. Keep it up, ipagpatuloy mo lang yan, wag mo pansinin ang nagmamaliit sayo.

Si Rita Gaviola ay unang nakilala sa bansag na "The Badjao Girl of Lucena" nang sumali siya sa Pinoy Big Brother 7 - Part 2: Teen Edition. Isa siyang katutubong Badjao na sumikat matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer habang nasa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Agad siyang nakilala sa social media dahil sa angkin nitong kagandahan.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang kanyang TikTok videos kung saan may kasama siyang lalaki. Pinagtanggol naman ni Rita ang lalakig ito mula sa mga negatibong komento mula sa ilang netizens.

Samantala, noon pa man ay sinabi na ni Rita na gusto niyang sumali sa beauty pageant kagaya na lamang ng Miss Universe.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel