KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang

KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang

- Nag-post si KC Concepcion ng ilang pictures ng reunion nila ng kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta

- Ani KC, maituturing niyang 'fairytale come true' ang nangyari kung saan magkakasama silang tatlo sa entablado

- Naging emosyonal ang mga ito habang nagbabahagi ng mensahe lalo na si Mega kung saan humingi siya ng dispensa sa anak na hindi nila siya nabigyan ng buong pamilya

- Hindi na raw nakapag-post si KC dahil sinulit niya ang oras na matagal niyang pinangarap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay KC Concepcion, 'fairytale come true' ang reunion ng kanyang mama at papa sa Dear Heart concert kung saan nakasama niya sila. Nasambit niya rin na parang panaginip lang ang nangyari.

KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang
KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang
Source: Instagram

Pinagpasalamat niya sa Panginoon na maranasan niya ang reunion ng kanyang mga magulang kasama ang mga taong nagmamahal sa kanila.

Read also

Sharon Cuneta, humingi ng paumanhin kay KC na hindi nila siya nabigyan ng buong pamilya

Last night was a fairytale come true… Thank you Lord sa pagkakataong ito na maexperience ang once-in-a-lifetime reunion ni Mama and Papa… Along with 25,000 of you live at the arena!

Ani KC, hindi siya nakapagbahagi ng live update dahil sinulit niya ang gabing aniya ay habangbuhay na nakaukit sa kanyang puso.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sorry for not sharing live updates last night I savored every second of the night that will forever be etched in my #DearHeart … Thank you all for your love!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Sharon Cuneta, nag-post din ng picture na hindi kasama sa frame ang mukha niya

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel