Sharon Cuneta, nag-post din ng picture na hindi kasama sa frame ang mukha niya

Sharon Cuneta, nag-post din ng picture na hindi kasama sa frame ang mukha niya

- Nag-post din si Sharon Cuneta ng family picture nila kung saan hindi din kita ang kanyang ulo sa frame

- Hirit niya, it's a tie na daw na tumutukoy sa nauna niyang post kamakailan na hindi din kita ang ulo ni Sen. Kiko Pangilinan

- Naging palaisipan sa netizens kung may pinagdadaanan ang mag-asawa dahil sa post niyang ito

- Sa panayam naman kay MJ Felipe ng ABS-CBN sinabi ni Sharon na wala siyang makita na picture na kumpleto ang apat na anak at 'four gremlins' ang nakalagay sa pagbati kaya hindi na niya isinama ang asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Sharon Cuneta ng panibagong family picture nila kung saan hindi din kita ang kanyang ulo sa frame kagaya ng nauna niyang post na si Sen. Kiko Pangilinan naman ang hindi kita. Hirit pa ng Megastar, 'it's a tie' na daw.

Read also

Sharon Cuneta, nabahala sa lagay kalusugan: "Please, if you can pray for me?"

Sharon Cuneta, nag-post din ng picture na hindi kasama sa frame ang mukha niya
Sharon Cuneta, nag-post din ng picture na hindi kasama sa frame ang mukha niya
Source: Instagram

Matatandaang marami ang napaisip sa post na ito ni Sharon kamakailan dahil may mga nagtatanong kung sinadya ba ni Mega na i-crop ang picture para hindi makasama si Sen. Kiko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa panayam naman ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa kanya, sinabi ni Sharon na wala siyang makita na picture na kumpleto ang apat na anak at 'four gremlins' ang nakalagay sa pagbati kaya hindi na niya isinama ang asawa.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel