Sharon Cuneta, humingi ng paumanhin kay KC na hindi nila siya nabigyan ng buong pamilya

Sharon Cuneta, humingi ng paumanhin kay KC na hindi nila siya nabigyan ng buong pamilya

- Marami ang naantig sa muling pagsasama nina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at KC Concepcion sa entablado

- Hindi rin napigilan ang mga emosyon nila na muli ay nabuo sila sa ginanap na reunion concert nina Sharon at Gabby

- Tila hindi naman makapaniwala si KC at aniya ay parang panaginip na makitang magkasama ang kanyang mga magulang

- Inihayag din ni KC ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal sina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at KC Concepcion sa kanilang pagsasama-sama sa entablado. Ani KC, parang panaginip ang nangyayari pero masayang-masaya siya na makitang magkasama ang mga magulang.

Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at KC, emosyonal sa kanilang pagsasama sa entablado
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at KC, emosyonal sa kanilang pagsasama sa entablado
Source: Instagram

Kinanta ni Sharon ang awiting 'Ikaw.' Humingi si Sharon kay KC na hindi nila nabigyan ng buong pamilya si KC pero meron naman daw dalawang pamilya na nagmamahal sa kanya.

Read also

Sharon Cuneta, nag-post din ng picture na hindi kasama sa frame ang mukha niya

Dagdag pa ni Mega, hindi sila tumigil na mahalin si KC sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Para naman kay KC, parang panaginip na makitang magkasama ang kanyang mga magulang. Aniya, napakasarap sa pakiramdam na makita silang magkasama. Tinukso pa niya ang mga magulang sa kanilang pagho-holding hands.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Bea, binahagi ang paalala ng nanay niya: "You can never seduce a happy husband"

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel