Ray Parks, sinorpresa si Lucas nang sunduin nila ito sa school

Ray Parks, sinorpresa si Lucas nang sunduin nila ito sa school

- Ibinida ni Bobby Ray Parks sa kanyang Instagram story ang kanyang pag-sorpresa sa anak ni Zeinab Harake na si Lucas

- Sinundo nila ni Zeinab si Lucas sa school nito at napayakap ito kay Ray nang makita niya ito sa loob ng sasakyan

- Base sa IG story ni Zeinab ay nakauwing muli sa Pilipinas si Ray mula sa Japan kung saan ito namalagi

- Sa mga vlogs nila ay makikita kung gaano napalapit ang mga anak ni Zeinab sa kanyang kasalukuyang boyfriend na tinatawag nila bilang si Daddy Ray

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Bobby Ray Parks ang video ng kanilang pagsorpresa kay Lucas. Sinundo nila ni Zeinab si Lucas sa school nito at agad siyang napayakap sa kanyang Daddy Ray.

Ray Parks, sinorpresa si Lucas nang sunduin nila ito sa school
Ray Parks, sinorpresa si Lucas nang sunduin nila ito sa school
Source: Instagram

Matatandaang noong Setyembre ay bumalik si Ray sa Japan kung saan siya naglalaro ng basketball. Base sa IG story ni Zeinab ay mukhang umuwi ng Pilipinas si Ray. Kaya naman hindi maitago sa mukha ni Lucas ang tuwa nang makita ang kanyang Daddy Ray.

Read also

Leren Mae Bautista kay Ricci Rivero: “Wag ka maglaba, ako na"

Napalapit na rin si Ray sa mga bata at makikita ito sa mga vlogs na naibabahagi ni Zeinab kung saan nagkakasama sila.

Ray Parks, sinorpresa si Lucas nang sunduin nila ito sa school
Ray Parks, sinorpresa si Lucas nang sunduin nila ito sa school
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang inalmahan ni Zeinab sa kanyang Instagram live ang mga naninisi sa kanya kung bakit hindi nakapaglaro sa FIBA si Bobby Ray Parks. Nilinaw ni Zeinab na todo-suporta siya kay Ray at maging siya ay busy din sa trabaho. May mga nagsasabi kasi na mas inuuna siya ni Ray kesa sa pagba-basketball nito. Nilinaw naman ni Ray na wala namang masama na magkaroon siya ng buhay outside basketball.

Sinulit nina Bobby Ray at Zeinab ang kanilang oras na magkasama sa bakasyon nila sa Bohol. Pabalik na rin kasi si Ray sa Japan sa kanilang pagbabalik sa Manila pagkatapos ng kanilang bakasyon. Sa Instagram live ni Zeinab ay makikita ang anila'y "Bebe time" ng magkasintahan. Sa sobrang busy daw nila sa kanilang mga trabaho ay ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkasama.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate