Lotlot de Leon nagsalita: “He can have it all!” sa isyu ng pamana ni Nora Aunor

Lotlot de Leon nagsalita: “He can have it all!” sa isyu ng pamana ni Nora Aunor

  • Lotlot de Leon naglabas ng emosyonal na pahayag matapos ang panayam ni Ian de Leon kaugnay sa mana, iginiit na hindi sila nakikipag-agawan sa ari-arian at sapat na ang pamana ng kanilang ina bilang ina at Superstar
  • Si Ian de Leon ang lumitaw na tanging legal na tagapagmana at tagapangasiwa ng Nora Aunor Foundation, bagay na nagdulot ng tensyon sa magkakapatid matapos ang sunod-sunod na panayam sa telebisyon
  • Hayagang nagpahayag ng galit si Lotlot, sinabing buong buhay niyang isinakripisyo para sa kanyang mga kapatid at masakit para sa kanya na masira ang kanilang samahan dahil sa isyu ng mana
  • Sa kabila ng intriga, nananatiling buo ang pagtatanggol ng mga anak sa legasiya ni Nora Aunor, na para kay Lotlot ay hindi materyal na yaman kundi ang kabutihan ng puso at pagmamahal sa kapwa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naglabas ng matinding saloobin ang aktres na si Lotlot de Leon kaugnay sa kontrobersyal na panayam ng kanyang kapatid na si Ian de Leon hinggil sa mana ng kanilang ina, ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor. Sa kanyang emosyonal na pahayag, iginiit ni Lotlot na hindi sila nakikipag-agawan sa ari-arian at sapat na para sa kanya ang pamana ng kanilang ina bilang ina at Superstar.

Read also

Viy Cortez emosyonal sa unang araw ng eskuwela ni Kidlat

Lotlot de Leon nagsalita: “He can have it all!” sa isyu ng pamana ni Nora Aunor
Lotlot de Leon nagsalita: “He can have it all!” sa isyu ng pamana ni Nora Aunor (📷@ms.lotlotdeleon/IG)
Source: Instagram

“Sa kanya na lahat. Wala akong hinihingi. Wala akong inaagaw. Walang inaagaw si Matet. He can have it all! Kasi para sa akin sapat na na natawag kong mommy si Nora Aunor. Sapat na na napalaki ako ng isang Superstar. Sapat na na nabigyan ako ng pangalan ni Mommy. Galit ako. Galit na galit ako! Buong buhay ko sinakripisyo ko para sa mga kapatid ko, tapos sisirain mo lang!”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pumanaw si Nora Aunor noong Abril 16, 2025 dahil sa acute respiratory failure. Kasama niya sa kanyang huling sandali ang kanyang limang anak: biological son na si Ian, at ang mga ampon na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

Matapos ang kanyang pagpanaw, si Ian ang lumitaw na tanging legal na tagapagmana at tagapangasiwa ng mga ari-arian at ng Nora Aunor Foundation. Bagamat tiniyak ni Ian na mananatiling kasama ang kanyang mga kapatid, lumalim ang tensyon matapos ang ilang panayam sa telebisyon.

Read also

Ginang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng thunderstorm sa Pangasinan

Hayagang nagpahayag ng galit si Lotlot, sinabing buong buhay niyang isinakripisyo para sa kanyang mga kapatid at masakit para sa kanya na masira ang kanilang samahan dahil sa isyu ng mana. Sa kabila ng intriga, nananatiling buo ang pagtatanggol ng mga anak sa legasiya ni Nora Aunor. Para kay Lotlot, ang pinakamahalagang pamana ng kanilang ina ay hindi materyal na yaman kundi ang kabutihan ng puso na ipinamalas niya sa marami.

Matet de Leon emosyonal na inalala ang ginawa ni Nora Aunor para sa kanila Sa artikulong ito, ibinahagi ni Matet de Leon ang kanyang emosyonal na alaala tungkol sa kanilang ina na si Nora Aunor. Ipinakita niya kung paano sila minahal at pinalaki ng Superstar, na para sa kanya ay higit pa sa anumang materyal na pamana.

Ian de Leon nagpaliwanag ukol sa “person corporation” at sinagot ang isyu ng mana Sa panayam na ito, ipinaliwanag ni Ian de Leon ang konsepto ng “person corporation” at kung bakit siya ang tanging legal na tagapagmana ng kanilang ina. Sinagot din niya ang mga isyu na ibinabato sa kanya kaugnay sa pamana at relasyon sa kanyang mga kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate