Zeinab Harake, umalma sa naninisi sa kanya na hindi nakapaglaro si Ray Parks sa FIBA

Zeinab Harake, umalma sa naninisi sa kanya na hindi nakapaglaro si Ray Parks sa FIBA

- Inalmahan ni Zeinab Harake sa kanyang Instagram live ang mga naninisi sa kanya kung bakit hindi nakapaglaro sa FIBA si Bobby Ray Parks

- Nilinaw ni Zeinab na todo-suporta siya kay Ray at maging siya ay busy din sa trabaho

- May mga nagsasabi kasi na mas inuuna siya ni Ray kesa sa pagba-basketball nito

- Nilinaw naman ni Ray na wala namang masama na magkaroon siya ng buhay outside basketball

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Zeinab Harake na todo-suporta siya kay Bobby Ray Parks. Kaya naman, inalmahan niya ang mga naninisi sa kanya kung bakit hindi daw nakapaglaro sa FIBA si Ray.

Zeinab Harake, umalma sa naninisi sa kanya na hindi nakapaglaro si Ray Parks sa FIBA
Zeinab Harake, umalma sa naninisi sa kanya na hindi nakapaglaro si Ray Parks sa FIBA (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Ani Zeinab, masyado na siyang maraming pagpaparaya kaya nilubos na lang nila ang kanilang pagbabakasyon sa Bohol.

Sa kanyang Instagram live ay makikita ang pagtatanggal ni Zeinab ng pagkakatirintas ng buhok ni Ray. Tinali niya rin ang buhok ni Ray.

Read also

Vice Ganda, ibinida ang kanilang masayang bonding kasama ang It's Showtime family

Ani Zeinab, hindi naman tama na siya ang sinisisi dahil sinusuportahan niya si Ray sa kanyang pagiging basketbolista. Aniya, araw-araw siya nagtatrabaho at hindi sila halos nagkikita dahil busy din si Ray sa paghahanda sa basketball.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilinaw naman ni Ray na wala namang masama na magkaroon siya ng buhay outside basketball.

Wala namang masama na magkaroon ng buhay outside of basketball.

Naibahagi din nila na pauwi na sa Japan si Ray. Dadalaw na lang daw si Zeinab sa kanya sa Japan kapag may oras na siya.

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Read also

Vice Ganda, pinabulaanan ang balitang binitawan niya na si Awra Briguela

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel