Vice Ganda, pinabulaanan ang balitang binitawan niya na si Awra Briguela

Vice Ganda, pinabulaanan ang balitang binitawan niya na si Awra Briguela

- Pinabulaanan ni Vice Ganda ang balitang binitawan na umano niya si Awra Briguela sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersiya

- Sa panayam ni MJ Felipe, nilinaw ni Vice na talent pa rin niya si Awra at nagtataka daw siya kung saan nanggaling ang balitang ito

- Aniya, aalalayan niya si Awra sa kinakaharap nito taliwas sa kumalat na bali-balita

- Nabanggit din ni Vice Ganda na bawal magbigay ng pahayag si Awra

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mariing pinabulaanan ni Vice Ganda na binitawan na niya si Awra Briguela. Sa panayam ni MJ Felipe ay sinabi ni Vice na aalalayan niya si Awra sa kinakaharap niyang ito.

Vice Ganda, pinabulaanan ang balitang binitawan niya na si Awra Briguela
Vice Ganda, pinabulaanan ang balitang binitawan niya na si Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

Ani Vice, ipinagtataka niya kung saan nakuha ang balitang ito gayong hindi naman siya natanong tungkol dito at hindi din naman na-interview si Awra.

Read also

Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"

Alam mo nagtataka ako kung saan nila nakukuha. One, no one asked me. Ikaw lang ang nagtanong sa akin, noone asked me, I was not interviewed by anyone kaya nagtataka ako kung saan nila nakukuha yung mga chikaa nilang iniwan ko si Awra.

Bawal pa rin daw magpa-interview si Awra.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasi si Awra cannot be interviewed. Bawal din siyang magbigay ng mga interview.

Aniya, nagamit lang ang pangalan nila ni Awra.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel