Bobby Ray Parks, sinulit ang bakasyon kasama sina Zeinab, Bia at Lucas sa Bohol

Bobby Ray Parks, sinulit ang bakasyon kasama sina Zeinab, Bia at Lucas sa Bohol

- Sinulit nina Bobby Ray Parks at Zeinab Harake ang kanilang oras na magkasama sa bakasyon nila sa Bohol

- Pabalik na rin kasi si Ray sa Japan sa kanilang pagbabalik sa Manila pagkatapos ng kanilang bakasyon

- Sa Instagram live ni Zeinab ay makikita ang anila'y "Bebe time" ng magkasintahan

- Sa sobrang busy daw nila sa kanilang mga trabaho ay ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinulit nina Bobby Ray Parks at Zeinab Harake ang kanilang oras na magkasama sa bakasyon nila sa Bohol bago ito tuluyang bumalik sa Japan sa kanilang pagbabalik sa Manila.

Bobby Ray Parks, sinulit ang bakasyon kasama sina Zeinab, Bia at Lucas sa Bohol
Bobby Ray Parks, sinulit ang bakasyon kasama sina Zeinab, Bia at Lucas sa Bohol (@ray1parks)
Source: Instagram

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Read also

Donita Nose at Negi, kinaaliwan sa kanilang promotion ng kanilang show

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel