Derek Ramsay, tinatakot daw ni Ellen Adarna: "I wake up nakabaliktad siyang ganyan"

Derek Ramsay, tinatakot daw ni Ellen Adarna: "I wake up nakabaliktad siyang ganyan"

- Nabanggit ni Derek Ramsay na pagdating sa jump rope ay mas magaling ang asawa niyang si Ellen Adarna sa kanya

- Gayunpaman aniya ay mas chill lang si Ellen habang siya naman ang competitive sa kanilang dalawa

- Dagdag pa ni Derek, si Ellen ay 'born yogi' dahil sa husay niya sa paggawa ng mga mahihirap na yoga poses

- Nakwento pa ni Derek kung paano siya takutin ni Ellen kapag nagigising daw siya na nakabaliktad si Ellen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang kwento ni Derek Ramsay tungkol sa kanila ng asawa niyang si Ellen Adarna. Nakwento ni Derek sa vlog ni Dra. Vicki Belo kung paano siya takutin ni Ellen.

Derek Ramsay, natawa sa hirit ni Dra. Vicki Belo sakaling magkaanak sila ng babae
Derek Ramsay, natawa sa hirit ni Dra. Vicki Belo sakaling magkaanak sila ng babae
Source: Youtube

Ani Derek, siya ang mas competitive sa kanilang dalawa samantalang si Ellen ang mas chill. Gayunpaman, pagdating sa jump rope ay mas magaling daw talaga si Ellen.

Read also

Hash Alawi, kinaaliwan sa vlog niyang "Buying everything Alexis touches"

Nabanggit naman ni Dra. Belo ang husay ni Ellen sa Yoga. Ani Derek, si Ellen ay 'born yogi.' Nagagawa umano niya ang mahihirap na yoga poses at ginagamit pang panakot sa kanya.

Ellen is a born yogi. She can put her head behind her head. She can crawl, She does that thing na tinatakot niya talaga ako. I wake up, nakabaliktad siyang ganun. And then she'd walk. I swear to God I had a heart attack like I'll punch her. She can do all those crazy things.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate